Sunny's Point of View"Excuse me, Miss? Mukhang sa kabilang table ang order na ito. Hindi ito ang order ko." Bumalik sa counter yung customer at agad na ini-address sa akin yung concern niya.
"Ang lutang mo today. Ano meron?" Tanong sa akin ni Vaness habang iniabot na yung tamang order ng customer.
Humingi ako ng pasensya dito at mabuti na lang hindi mainitin ang ulo niya.
"Wala." Matipid kong sagot kay Vaness.
Alam ko naman kasing aasarin niya ako kapag sinabi ko sakaniya na si Tracy dahilan bakit hanggang ngayon sabog ako.
Napaka-prangka naman kasi ng taong yun.
Nagugulat ako sa mga sinasabi.
"Sunny, what if I tell you that I'm a lesbian?"
At eto pa
"May chance ba na mainlove ka sakin?"
Sino ba namang hindi magugulantang sa mga ganyang tanungan?
Dinaig pa yung question-and-answer portion sa mga Miss Gay Pageants.
Sa sobrang gulat ko alam niyo ba kung ano sinagot ko?
"Alam mo, itulog mo na lang yan. Baka antok ka na."
Hanggang ngayon nga iniisip ko din kung may chance ba na mainlove ako sa babae.
"Wala pero parang kanina pa ako hangin dito. Ano teh? Sino kausap ko? Langgam?" Sarkastikong tanong nito sa akin na dahilan para mapakamot ako sa aking ulo.
"Si ano kasi." Mahina kong sabi.
"Nako! Sino? Si Tracy? Ano ginawa niya sayo ha? Nako! Kahit maganda siya reresbakan ko yan pag sinaktan ka." Dagdag pa nito.
"Hindi. Ano kasi." Teka bakit ba ako nahihiya? Eh wala lang naman sakin yung tanong niya.
"Alam mo teh. Ngayon lang kita nakitang pabebe. Matatampal kita. Umayos ka nga. Ano ba yun?" Natawa naman ako kay Vaness hindi ko alam kung inis ba siya sa akin o nagbibiro lang.
"Natulog siya kagabi sa bahay." Nasabi ko na din sa wakas. Ano bang nakakahiya dun Sunny? Keep up the good work teh?
"Ano naman? Teka ano?! Mas nauna pa sakin si Tracy na mag-sleepover sainyo? Grabe! Para namang hindi mo ko kaibigan oh." Nagdadabog pa nitong sinabi.
"Lesbian siya." Mahina ko ulit na sabi dito.
"Sabi na eh! Mabilis akong maka-amoy pag ganyan eh! Atsaka teh nako! Yung mga tinginan niya sayo? Sabi ko na nga ba eh! O eh ano meron?" Talaga itong sa Vaness masyadong marites eh.
"Sigurado ka ba na gusto niya ako?" Tanong ko kay Vaness. Kasi actually, wala naman talagang problema sa akin yun.
Wala naman sa apog ko ang umiwas sa mga ganoon kababaw na kadahilanan.
Ang akin lang eh, baka umasa siya na maibabalik ko yung feelings (kung meron man) na meron siya para sa akin.
"Oo nga! Bakit ano sinabi?" Feeling ko talaga pwedeng mag-conduct ng sandamakmak na research study si Vaness.
Masyadong magaling mag-interrogate.
"Bago kami matulog tinanong niya ako kung may chance daw ba na mainlove ako sakaniya." Kwento ko dito.
"Ikaw, ano ba sa tingin mo?" Tanong sa akin ni Vaness.
Tinitigan ko lang siya at nag-isip mabuti.
Sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam.
Buong araw ko talagang pinag-isipan yun pero hangang ngayon ang lutang ko pa din talaga.
"Nako teh, pag ayan mayado mong inisip baka mabaliw ka na! Sige na hoy! Mag-ingat ka gaga!" Paalam sa akin ni Vaness.
Tama.
Baka mabaliw pa ako.
I need to concentrate.
Habang bumabyahe, naisipan ko muna na tignan ang e-mail ko.
Wala pa din ni isang tumatawag sa akin para sa feedback.
In-off ko muna ang cellphone ko at umiglip.
Nagising na lang ako nang biglang nag-beep ang phone ko.
Yung taong kanina ko pa iniiwsan na mag-text.
Nag-text na.
Hindi naman kasi ako maka-hindi dito dahil magkaibigan pa din kami.
Baka masyado lang sa akin big deal yung kagabi.
Wala naman sigurong meaning yun.
Tracy: Can we meet tomorrow? After work mo?
Naka-uwi na ako sa bahay ngayon pero wala pa din talaga akong balak na replyan si Tracy.
Paano kung bigla niyang ulitin tanong niya sa akin pero hindi ko masagot?
Grabe ang overthinker ko na naman.
Me: Sige.
Oo na nga sige na.
Eh kasi naman hindi ko maitatanggi na masayang kasama si Tracy.
Hindi naman porket nag-tanong siya sa akin nang ganoon eh, magiging dahilan na yun para umiwas ako sakaniya.
Atsaka isa pa magkaibigan lang kami.
Kaya wala yun.
Wala lang yun.
Buti na lang nag-aya sakin si Vaness ng "guitar session".
May dahilan ako para hindi kami mag-vc ni Tracy.
Hanggang ngayon talaga nahihiya pa din ako.
Parang feel ko na-basted ko siya in someway?
Ang weird mo Sunny!
"Ano bang gusto mong aralin sa gitara? Dapat basic chords muna ha?" Tanong ko kay Vaness.
Nakuwento niya kasi sa akin na bukod sa pagiging frustrated writer niya, ay frustrated guitarist din daw siya.
Dati pa daw siyang may gitara pero hindi siya natututo sa panood-nood lang sa youtube.
Kaya heto ako, as a good friend eh ako na ang nag-volunteer na turuan siya.
Natuto lang ako mag-gitara sa pinsan ko.
Tinuruan niya ako ng slayt tapos naengganyo na ako mag-self study.
Waw? Academic purposes yarn? Charot.
"Ay eto oh! May easy version torete. Okay ba yun?" Tinignan ko ang sinend niyang picture at nakita ko namang basic chords lang kaya walang problema.
"Ano bang tono niyan? Hindi kasi ako familiar." Sabi ko dito.
May mga kanta kasi talaga na alam mo yung tono at lyrics pero hindi mo alam title.
Gets niyo ba ako? Or ako lang yun?
Pinlay niya sa video call habang nakikinig kami pareho.
Huwag kang mag-alala.
Hindi ko ipipilit sa iyo.
Kahit na lilipad ang isip ko'y,
Torete sayo.Hindi ko alam kung nananadya ba si Vaness o talagang nasakto lang yung kanta?
——
At dahil nasaktong February 14 ngayon ipublish ko na today
Chapter 14 heheHappy Hearts Day
<3

BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...