Sunny's Point of View"Loko loko pala yang si Tracy eh! Ang kapal ng mukha! Ang paasa!"
Tahimik lang ako at wala balak gatungan ang sinabi ni Vaness.
Kung sila galit kay Tracy, ano pa sa tingin niyo ang mararamdaman ko?
Sobrang disappointed ako sakaniya.
Parang hindi na siya yung Tracy na nakilala ko.
"Tama na gaga! Huwag mo na gatungan nararamdaman ni Sunny."
Sinita ito ni Tiara at umiling na lang pabalik si Vaness dito.
Ibinalin sa akin ni Tiara ang tingin niya at binigyan ako ng isang basong beer. "Hayaan mo na yung si Tracy. Inom na lang tayo."
Kumpara noon, nakita ko ang pagbabago ng friendship namin.
Kasama na namin si Vaness at hindi naman ito nahirapang makisama sakanila.
Umo-okay na ang lahat except lang sa amin ni Tracy.
I guess hindi nga talaga lahat ng bagay makukuha mo.
Tinanggap ko ang beer na binigay sa akin ni Tiara at ininom ko agad.
"Huy, kalmahan mo lang! Unli naman yan!"
Sabi ni Vaness.
Ngumiti na lang ako dito at tumango.
Sabi nga nila kapag uminom ka ng alak, panandalian mong makakalimtan ang problema mo.
Kaya ayun ang gagawin ko ngayong gabi.
"Tanga! Alisin niyo na yang baso oh! Lasing na yang si Sunny!"
Naririnig kong sabi ni Vaness.
Kaya kinuha ko agad yung baso ng beer at ininom.
Kahit nahihilo at medyo blurred na ang paningin ko naririnig ko pa din ng malinaw ang mga sinasabi nila.
Kaya ko pa.
"Bakit ang gago niya no? Gusto ko naman talaga siya eh! Tapos pinaasa niya lang ako! Para akong hangin kanina na nilagpasan niya lang! Gago!"
Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakasabi ko pero wala akong pake.
Ganito yata talaga ako kapag medyo may tama na.
"Ayan! Sabi ko kasi tama na! Ang tigas ng ulo mo. Ano ka ngayon? Edi ang sakit ng ulo mo?" Sabi ni Vaness sakin.
Ang aga aga sermon agad.
Atsaka bakit nandito siya sa apartment ko?
"Dumating ba si Tracy kagabi?"
Matagal ito bago sumagot.
"Anong klaseng tanong ba naman yan? Shunga ka teh? Bakit pupunta yun eh wala na ngang pake sayo yun."
Bakit ba inaasahan ko pa siyang pumunta sa resto-bar eh alam ko naman na di siya darating.
Wala naman ako sa isang telenovela para mangyari yun.
Napa-upo ako sa sofa at naiyak. "Ang sakit tangina! Bakit siya ganito? Bakit niya ako pinaasa! Nakakainis naman eh!"
Lumapit si Vaness sa akin at inabot ang isang basong tubig.
"Vaness, sabihin mo nga sakin. Panget ba ako?"
At doon na nga ako binatukan ni Vaness.
"Gaga ka! Seryosong usapan tas hahaluan mo ng biro! Parang sira! Hindi ka si Liza Soberano hoy!" Natawa naman ako bigla sa komento niya.
Kita niyo na!
Nababaliw na ako dahil kay Tracy.
Kanina umiiyak ako tapos ngayon natatawa.
Since ang boring ng araw ko, inaya ko si Vaness na samahan ako sa mall.
Balak ko na sanang bilhin yung aso na nagustuhan ko noon. Hehe.
Alam kong mahal yun kaya pinag-ipunan ko talaga.
Pinilit ko ang sarili ko na maghulog ng 500 kada araw para lang sakaniya.
Sana andun pa siya.
"Sige na! Samahan mo na ako. Day-off naman natin ngayon eh." Pangungulit ko kay Vaness.
Ayaw niya akong samahan dahil hindi pa daw maayos ang pakiramdam ko.
Ang katwiran ko naman kapag nabili ko na yung aso hindi na ako maglalasing ulit.
"Oh siya sige na! Para sa ikatatahimik ng budhi mo."
Sabi nito na ikinatuwa ko.
Gaya na ng inaasahan ko.
Wala na yung bischon na gusto ko.
May bumili daw a few weeks ago.
Nakakainis naman. Sayang.
"Pili na lang po kayo ng iba diyan Maam."
Eh ano pa nga ba? Edi naghanap na lang ako ng iba.
Wala naman kasing kaso sa akin pero nanghihinayang lang ako.
Yun kasi talaga yung dahilan ng pag-iipon ko.
"Siya na lang. May name na ba siya?"
Umiling ang nag-aasist at inabot sa akin ang cute na shih tzu.
"Ano ipapangalan mo?" Tanong sakin ni Vaness.
"Luna."
Sabi ko dito nang nakangiti.
Pag-uwi pinakita ko agad kila mama sa video chat si Luna.
Six months old pa lang ito at ang cute cute niya sobra.
Nakakapawi ng stress.
"Nako anak, magastos mag-alaga ng aso. Siguraduhin mo lang na huwag mong papabayaan yan ha?" Sabi ni Mama.
"Alam ko naman po ang pinasok kong desisyon, Ma. Handa naman akong maging responsableng fur parent dito." Sagot ko kay Mama.
"Basta ate pag umuwi ka isama mo yan dito ah."
Nakakatuwang isipin na heto na naman ako sa pagdedesisyon ng mabilisan pero kahit ganun pa man, handa akong panindigan lahat ng desisyon ko.
Hindi gaya ni Tracy.
This is a start of new beginning.
Marami mang nangyari sa akin these few weeks.
It's all in the past now, handa na akong mag-move forward sa kung ano lang ang meron ako sa buhay ko ngayon.
Especially na nandito na si Luna, madali na lang para sa akin na makalimot.
This is the last time I will mention your name, Tracy.
- - - - -
"The only permanent thing in this world is the word "change". Ako lang ba ang naniniwala sa quote na yan? I bet hindi lang ako. This only means na hindi lahat ng meron ka ngayon, magsstay as is. Kung sino o ano man ang mga bagay na temporary lang sa atin ay dapat na nating pakawalan, dahil sigurado ako na may mas better pa tayong makikilala at mararanasan na makapag-bibigay satin ulit ng saya sa mga future happenings natin sa life."
-Sunny ^-^
BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...