Chapter 27

46 4 53
                                    


Tracy's Point of View

Naghahanda ako para sa isang event namin. Engagement Proposal well this is different.

Pareho kasi silang lalaki.

Nakikita ko ang Papa at Mama ko sakanila, pero sapag-kakaalam ko hindi pa sila kasal.

Pilipinas eh.

Masyado pa ding close minded pagdating sa mga ganyang paniniwala.

"Boss Tracy, may problema."

Ako ang kinakabahan kapag ganyan ang sinasabi ni Ynna.

Kung kailan last minute tsaka magkakaproblema.

"Hindi niyo ba magagawan ng paraan yan? Bakit kailangan niyo pang sabihin sa akin?" Tanong ko habang nag-aayos ng mga gagamiting camera para sa event.

"Wala pa po kasing engagement ring yung couple natin. Pinapabili tayo ni Sir Tristan." Mahinang sabi ni Ynna.

Sino ba namang tanga ang makakalimutang bilhin yun?

Ang aga aga sinisimulan ang umaga ko.

"And so? Tayo pa ba ang mag-aabono niyan?" Lately I admit hindi na ako kasing bait gaya noon, maybe because I want to be strong again.

"Nag-send na po ng cash si Sir Tristan sa account ko." Paliwanag ni Ynna.

Nainis ako at pinagsabihan siya na huwag magtitiwala sa iba sa susunod.

May mga iba na gusto lang talaga malaman ang bank details.

I know Tristan is far from that pero hindi parin maiiwasan sakin ang mag-alala sa staff ko.

Pamilya na ang turing ko sakanila.

"Fine. Let's go then. Ikaw na ang pumili ha?" Kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas na sa shop.

"Tracy, okay ka lang ba? Masyado ka yatang stress lately? May problema ka ba?"

Tanong ni Ynna sakin habang nasa kotse kami.

"Nope. Okay lang ako."

Nagkibit balikat na lang ito at hindi na nagtanong.

"Hala! Halika tignan mo ito oh! Ang ganda!"

Inaaya ako ni Ynna na lumapit para tignan kung ano ang tinuturo niya.

Pero sa halip na doon ako mapatingin, sa mga alahas ako nakatingin.

Bagay siguro sakaniya yun.

Umiling na lang ako.

Mali ito, dapat di ko na iniisip si Sunny.

"Ay, ayaw mo? Sige hanap na lang ako ng iba pa."

Na-misinterpret ata nito ang pa-iling ko.

"Alam mo talagang mahal na mahal ni Sir Tristan yung boyfriend niya noh? Ikaw ba naman paghandaan ng ganito kahit engagement pa lang nako! Sasagutin ko yan agad-agad." Sabi ni Ynna.

Doon ko naisipang paghandaan din sila Papa at Mama ng wedding.

Siguro next year.

Mag-iipon ako para sakanila.

Deserve naman nila yun, napalaki nila ako ng maayos kahit hindi nila ako totoong anak.

And I will always owe my life to them.

Sa Cavite naisip ng dalawang couple na ito magkita.

Yeah.

What a small world.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon