Chapter 21

46 6 103
                                    


Tracy's Point of View

Gusto ko sanang mag-explain kay Sunny noong araw na nagkita kami ni Beatrice kaso mukhang iniiwasan na ata ako.

Dahil ba sa hinalikan ko siya sa pisngi nung nakaraang gabi?

Sumobra na ba ako?

O dahil kasama ko si Beatrice?

Hell no.

Hindi naman siya siguro magseselos dahil kaibigan lang ang turing niya sakin.

Kahit undas ngayon, sinubukan ko pa ring puntahan ang coffee shop at baka sakaling andun siya.

Bigo ako na makita siya dahil sarado ang coffee shop nila.

Ang ganda pa naman niya ngayon, ano kayang naisipan niya at magpagupit ng ganoon kaikli?

Parang lahat naman ata bagay sakaniya.

Hay.

Umuwi na lang ako sa bahay at nagdala ng ulam para sa tanghalian namin nla Mama.

"Oh? Ang aga mo yatang umuwi ngayon? Wala kang date?" Tanong ni Papa.

Umiling na lang ako dito at inilapag sa lamesa ang isang bucket ng chicken mula sa Jolibee.

"Wala ho eh. Mukhang undas na undas yata talaga. Pati si Sunny hindi nagpaparamdam."

Umupo ako sa sofa at binuksan ang T.V.

"Baka naman kasi talagang straight siya at ayaw na talaga sa iyo. Huwag mo na pilitin nak." Sabi ni Mama habang inaayos na ang dinala kong pagkain.

Kung ayaw niya sakin edi sabihin niya, bakit kailangan niya pa akong iwasan?

Ang hirap kaya manghula.

Habang kumakain nag-iisip pa din ako ng mga paraan kung paano ko makokontak si Sunny.

Bukod sa inignore niya ako sa messenger ay pinapatayan din niya ako pag tumatawag ako sa sim niya.

Ano ba nangyari sa babaeng ito?

Naalala ko si Vaness kaya nagmandali ako na kumain para i-message siya sa messenger.

Mabuti na lang at minemention ni Sunny si Vaness kaya hindi na ako nahirapan na hanapin ang FB account nito.

Nakakahiya man pero nag-call ako sakaniya sa messenger.

"Uy! Stalker! Charot! Ano meron?" Tanong nito.

"May problema ba kami ni Sunny?" Hindi ito umimik.

"May nasabi ba siya sayo? Saan pala siya nagpunta? Wala din siya sa apartment niya." Sunod-sunod na tanong ko.

"Nasa Cavite yun. Bumisita siya sa pamilya niya." Tipid nitong sagot.

Kaya pala wala siyang paramdam.

Baka busy o di kaya pagod sa byahe. Maiintindihan ko naman kung tinext niya agad para hindi na ako mangulit.

"Atsaka isa nga pala. Huwag mong paaasahin ang kaibigan ko. Nagbibigay ka nang motibo tapos makikita ka naming nakikipaglandian sa mall."

Sasagot pa sana ako pero binaba na agad nito ang tawag.

Nagseselos ba si Sunny kay Beatrice?

Kahit alam ko na naka-ignore ako sakaniya, pinili ko pa ding mag-message dito baka sakaling mag-reply siya.

Nakakaloko naman itong babaeng ito.

Mas mahirap pa siyang intindihin kaysa sa Statistics and Probability ko noong highschool.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon