Sunny's Point of View"Ang sakit pa din puta." Daing ko sa sarili.
Nag-paalam muna ako kay Vaness na baka tanghaliin ako sa coffee shop.
Pati na din sa boss ko mabuti na lang at pumayag dahil ipinag-paalam din pala ako ni Tiara sa kaibigan niya.
"Nako, kung alam ko lang na ganyan kayo katagal umuwi sana sinabihan kita na huwag nang sumama." Amok ni Vaness sa akin dahil medyo mahirap nga naman kapag isa lang sa counter.
Natawa naman ako. Oo nga.
Sana hindi na lang ako sumama.
"Oh siya pahinga ka muna mare! Trabaho na ako ulit dito." Paalam ni Vaness at ibiinaba niya na agad ang tawag.
Buti na lang nakauwi ako kahit papaano. Minsan kasi umaabot pa sila ng 5 am bago umuwi.
Ganoon sila kalala.
Okay na din na sinamahan ako ni Tracy pauwi.
Sa totoo lang na-apreciate ko talaga na sinamahan niya pa ako pauwi.
Minsan lan kasi ako maka-encounter na nakikiramdam sa uncomfortability ko lalo na at hindi naman kami masyadong close.
Oo sabihin na nating ganoon din si Tiara pero iba pa din yung may ginawa ka sa "aware" ka lang.
Tumayo na ako at naisipang magtimpla ng kape.
"Hanggang kailan ka magtitiis na sumama sakanila? Kung hindi ka naman pala kumportable dapat sabihin mo sakanila para naman alam nila."
Naalala ko na naman ang huling mga kataga na sinabi ni Tracy bago siya umalis.
Sino ba siya para magsalita ng ganoon sa akin? Hindi niya naman ako kilala, pero kahit na ganoon siguro ito yung sinasabi nilang "uncomfortable truth".
Matagal ko na talagang gustong i-cut off ang relationship ko sakanila pero alam niyo yung "baka ako lang ang nag-iisip wala naman talagang problema" o "baka magbago pa kung sakaling maipapaintindi ko sakanila" pero habang tumatagal mas na-rerealize ko na wala na talagang patutunguhan yung pagkakaibigan namin.
Darating din ako sa araw kung kailan ko magagawa yun, pero sa ngayon? Magtitiis muna ako sakanila lalo na at wala akong masasandalan.
Mga 2 pm na din ako nakarating sa coffee shop sumalubong sakin ang nakangiting si Vaness. "Hello!" Bati nito sa akin.
Na-weirduhan naman ako kasi nga hindi naman siya madalas na nakangiti. "Anong meron?" Inilapag ko ang bag ko at nagsuot na ng hairnet at apron.
"May naghahanap kasi sayo dito kanina." Sabi ko na may chika eh.
Hindi naman ito gaganahan kung walang tsismis.
Yes po.
Nabubuhay na lang kami para maki-tsismis sa buhay ng isa't-isa.
"Tracy daw." Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Jowa mo na yun noh? Hindi ba nung nakaraan din nagpunta siya dito?" Natawa na lang ako at umiling.
"Bakit ako hinahanap?" Tanong ko dito. Hindi ko naman maitatago na na-curious din ako ng slayt sa babaeng yun.
"Iniwan number niya. Eto oh." Sabay bigay sakin ng calling card.
"Anong gagawin ko dito?" Kinuha ko din naman at ibinulsa.
"Asus! Huwag ka na mahiya! Support ko naman mga couple na babae." Napa-iling na lang ako at hindi na nagsalita.
Habang break time naisip ko lang na tumingin sa e-mail account ko.
So far, panay reject o kaya sinasabi nila na "tatawagan na lang".
Mas lalo atang sumakit ulo ko dahil sa mga nakita ko. Hanggang kailan ako maghihintay?
Hindi bale na darating din yan.
Sa nagyon, magtitimpla at mag-seserve muna ako ng kape.
Pabalik na sana ako ulit sa counter pero kahit malayo pa lang tanaw ko na si Terrence na papunta dito.
Hindi niya pwedeng malaman na nag-ttrabaho ako dito.
Bumalik ako at binulong kay Vaness na may pinagtaataguan ako.
Kahit na nag-tataka ay pumayag siya na tumambay muna ako sa pantry hanggang sa makaalis siya.
Hindi ko na napigilang mapaisip at maiyak sa loob ng pantry.
Sinusubukan ko namang maging matatag, pero lagi akong sinusubukan ng tadhana.
Hindi ko na alam kung kanino ko pwedeng sabihin ang mga problema ko.
Ang hirap isipin na parang ako na lang yung lumalaban wala akong nararamdamang suporta mula sa mga taong inaasahan kong susuportahan ako.
"Wala na." Pumasok si Vaness sa pantry at kahi hindi ko alam ang magiging reaksyon niya, niyakap ko siya ng mahigpit.
"May problema ba? Okay ka lang?" Napatingin na lang ako sakanya at umiyak ulit.
Gustuhin man namin na tumagal ang drama ko, may trabaho pa kaming dapat gawin.
Sinabi ko na mamaya ko na lang ikukuwento sakanya yung problema ko at kung sino si Terrence.
"Kwento na." Inabutan niya ako ng kape at umupo sa isang table kung saan bakante. Magsasara na kami at inaayos na lang namin yung mga upuan.
"Kapatid ko si Terrence." Tumabi ako sakanya sabay lapag ng kape sa lamesa.
"Walang may alam sa pamilya ko na nag-resign ako." Pinipilit ko na ngumiti pero nangingilid na ulit ang mga luha ko.
Hindi ako sanay na mag-open up kaya sa may bintana ako nakatingin.
Pakiramdam ko kasi huhusgahan at sesermunan niya ako gaya ng ginawa sakin ni Reese.
"Ang hirap eh. Kasi baka hindi nila ako maintindihan kung anong dahilan ko kung bakit ako nag-resign." Hindi ko na napigilang maluha habang nagsasabi kay Vaness.
Walang sinabi sakin si Vaness sa halip pinakinggan at niyakap niya lang ako dahilan para mas lalo akong maiyak.
"Huwag kang ma-alala kung kailan ka handa na sabihin sakanila at kung kailan ka kumportable doon mo sabihin. Maiintindihan ka nila."
Ito ang gusto kong marinig sa mga kaibigan ko nung sinabi ko ito sakanila.
Gusto ko lang naman ng may makikinig sa akin kahit isa lang.
"Salamat Vaness." Nagpasalamat ako kay Vaness bago kami maghiwalay ng daan.
"Wala yun teh! Dito lang ako lagi." Tinapik niya ako bago siya naglakad papalayo.
- - - - - -
"Akala ng iba lahat ng nalulungkot kailangan ng advice pero hindi nila alam na ang totoong kailangan ng nalulungkot ay isang taong makikinig sa problema niya at yayakap sakaniya ng buong-buo. Kaya ka pinagkakatiwalaan ng isang tao sa problema niya dahil umaasa siyang maiintindihan mo siya, kaya sana kapag may nagsabi ng problema sainyo, huwag niyo sanang husgahan ang mga desisyong ginawa niya. Sa halip ay iparamdam mo na andyan ka lagi para sakanila."
-Sunny ^-^

BINABASA MO ANG
Save Me
Genç KurguSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...