Tracy's Point of ViewKinansel ko lahat ng mga meetings ngayon para lang maghanda kaso naisip ko na.
Hindi naman iyon date.
At ayoko din na ma-pressure siya sa akin kaya sabi ko kay Ynna papasok na lang pala ako pero halfday lang.
"Anong meron ngayon? Bakit halfday ka?" Tanong ni Ynna sa akin at iniabot yung kape na pinapakisuyo ko dito.
"Makikipag-kita ako kay Sunny." Matipid kong sagot dito.
"Seryoso ka ba sakaniya?" Tanong pa ulit nito.
Nakikiusyoso na naman itong isang ito.
Hay nako.
"Kailan ba ako nagloko? Yung mga past relationships ko lang naman ang gumago sa akin. Lahat naman sila sineryoso ko." Sagot ko dito.
"Ayun na nga eh. Magtatake ka na naman ba ng risk sa straight? Kung alam mo na sa umpisa pa lang eh ganyan na ang mga past mo." Yun na lamang ang iniwang tanong sa akin ni Ynna at umalis na ito.
Alam ko namang inaalala niya lang ako pero minsan nakakairita lang talaga yung mga advice ng mga kaibigan natin ano?
Hindi mo alam kung gusto ba nilang sumaya ka o gusto lang na mag-overthink ka?
Ganunpaman, oo.
Susugal pa din ako kay Sunny kahit na hindi ako sigurado kung masusuklian niya ang pagmamahal ko para sakaniya.
Ika ng nila "we always do crazy things when we're inlove".
Hindi naman masamang sabukan eh.
Masaktan na kung masaktan.
Atleast wala akong pagsisisihan sa dulo kasi sinubukan ko.
Mga 6:30 pa lang umalis na ako sa opisina at nag-bilin na lamang kay Ynna sa mga dapat nitong gawin.
Umuwi muna ako sa bahay para mag-ayos para mamayang gabi.
Ang dami ko pa sanang naiisip na idea.
Bibilhan ko sana siya ng bulaklak pero hindi ko pa naman siya nililigawan kaya uunti-untiin ko muna siya para hindi mabigla.
Me: Ano oras kayo matatapos?
Tinext ko ito pagkatapos kong maligo para alam ko kung anong oras ako aalis sa bahay.
Ano bang magandang isuot? Panay all-black kasi ang suot ko.
Baka sabihin niya ang emo ko naman.
"Ma!" Umakyat naman ito agad para itanong kung ano ang problema ko.
"Ano ha? Makikipagkita ka na naman kay Beatrice! Nako tumigil ka na! Jojombagin na kita." Yes. My mother is gay.
Pareho silang lalaki at proud akong sabihin na kahit napaka-judgemental ng iba sa amin ay hindi ako nagsisisi na sila ang kumopkop sa akin dahil pinalaki nila ako ng maayos.
"Ma, iba ito. Si Sunny ang kikitain ko ngayon." Napangiti naman si Mama at tinulungan ako na maghanap ng susuotin.
"Ma, sabihin mo kay Papa pag-uwi baka gabihin ako." Paalam ko dito.
"Oo sige. Basta enjoy!" Inandar ko na ang sasakyan at bumyahe na ako papunta sa coffee shop nila Sunny.
Sinubukan kong ayain ang kasama nitong si Vaness in case na ma-awkwardan siya sa amin pero siya na din ang nagsabi na
"Ayos lang. Tayong dalawa na lang." Tinatago ko lang ang tuwa ko noong sinabi niya yun.
Baka kasi mahalata niya na may iba akong motibo.
Which is meron naman talaga.
Na maging kami.
Oh baka kung ano iniisip ng ba dyan.
"We're here." Nag-park muna ako at pagkatapos nun sabay a kaming bumaba papunta sa resto-bar.
"Papakalasing ka ba ulit Madam Sunny?" Biro ko dito.
Aaminin ko na ang mga unang oras namin sa loob ng koste ay tahimik lang.
Mabuti na lang at makakapal din ang mukha ng mga magulang ko na nakatulong sa akin.
Hindi lang sa trabaho ko kung hindi pati na din sa panliligaw.
"Ano order mo?" Tanong ko sakaniya.
"Sisig." Sagot nito.
Naisipan ko na i-try na din ang order niya kasi kapag nagpupunta ako dito tapa lang ang lagi kong inoorder.
Napatagal ang kuwentuhan namin ni Sunny.
May mga time pa nga na hindi ko na marinig yung sinasabi niya dahil sa sounds ng banda kaya tumatango na lang ako dito at ngumingiti kahit papaano.
Nakakatuwa kasing isipin na kumportable na siya sa akin.
Sobrang ganda niya.
Ang sarap niyang pagmasdan na nagkukuwento sa mga bagay na nangyayari sa araw niya.
Pabor sa akin ito dahil gusto ko pa siyang makilala lalo.
"Salamat ha? Sobrang na-enjoy ko. Ang sarap talaga ng dinner lalo na pag libre." Wala pa man din kami sa bahay niya pero agad na itong nagpasalamat sa akin.
Sa totoo lang ako nga dapat ang magpasalamat kasi hindi pa din lumayo ang loob nito sa akin.
"Sus! Wala yun! Anytime." Sagot ko.
"Hindi ko maalis yung—" Nahihirapan itong alisin ang seatbelt kaya lumapit na ako dito para tanggalin.
Napatitig ako dito ng mabuti dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.
Hinalikan ko ito sakaniyang pisngi at nagpasalamat din dito.
"Thank you. You always made my day, Sunny."
——
<3

BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...