Tracy's Point of View5:30 pa lang ng umaga gising na ako.
Para ngang hindi ako natulog eh.
Yung tipong sobrang worried and at the same time kinakabahan ako para sa ngayong araw.
Ganon ang nararamdaman ko kaya hindi ako nakatulog nang maayos.
Sakto na din para hindi pa traffic.
All Souls' Day. Hindi ko aakalaing pupunta ako sa Cavite para lang linawin yung problema namin ni Sunny.
Madalas kasi na ako ang mataas ang pride, ngayon mukhang nakakuha na ako ng katapat ko.
Wala akong idea kung saan banda sa Cavite si Sunny kaya naisipan kong pakiusapan si Vaness na tanungin kay Sunny ang address ito.
"Nahihibang ka ba? Bakit nandyan ka sa Cavite?" Gulat na gulat na tanong ni Vaness sa akin.
"Gusto kong puntahan si Sunny." Kinakausap ko ito habang nag-dadrive ako.
"Shunga di makapaghintay ng isang liggo teh? Osige ano pa ba magagawa ko? Sesend ko sayo once na natanong ko na." Sagot nito.
Agad niya naman akong binabaan ng tawag.
Kahit tanungin ko ang sarili ko, hindi ko din alam kung bakit ako nandito ngayon at bumabyahe papunta kila Sunny.
Impulsiveness I guess?
Huminto muna ako sa malapit na gas station para magpa-gas.
Buti naka-abot pa dahil malapit nasa empty. Sa sobrang pagmamandali hindi ko na naisip magpa-gas pa kanina.
Matapos magpa-gas ay naisipan ko na ding mag-order sa McDo para sa almusal ko.
Tulog pa sila Mama nung umalis ako kaya nag-iwan ako ng note sa ref na pupunta akong Cavite.
"Yun! Sa wakas."
Saktong pagkapasok ko sa kotse ay nag-message na sa akin si Vaness.
Habang nagdadrive pasimple lang akong kumakagat ng burger. Wag niyo na akong gayahin.
Hindi maganda ang ginagawa ko baka mabangga pa kayo.
Speaking from experience.
Expert na di nadala.
Taga-Dasmariñas pala itong si Sunny.
Alam ko may mga opportunities din naman dito bakit hindi niya kaya subukan mag-apply sa hometown niya?
Hindi naman kasi porket sinabing sa Maynila nagtatrabaho ang laking bagay na nun.
Importante pa din na kahit papaano ay masaya ka sa ginagawa mo kahit na saang lugar ka pa madestino.
Medyo nahirapan ako sa waze kaya humihinto-hinto na lang ako para magtanong.
Minsan hindi ko alam kung pinapalapit ba ng waze yung pupuntahan ko o mas pinapadaan pako sa malayo.
Ang gulo din eh.
Mga ilang tao pa ang tinanong ko hanggang sa may nakaturo na sa akin nung daan.
"Salamat po." Bati ko dito.
May madudulot din talaga yung pagiging makaoal ang mukha ko.
Nagsimula na ako magtawag sa bahay nila pero parang walang tao.
"Sunny!"
May lumapit sa aking isang babae at kinausap ako.
"Nako, kakaalis lang nila nagpuntang sementeryo. Hintayin mo na lang muna babalik din yun."

BINABASA MO ANG
Save Me
Teen FictionSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...