Chapter 10

77 6 83
                                    


Sunny's Point of View

"Bakit naman ako pupunta dun? Ayoko. Kayo na lang ni Reese." Sagot ko kay Tiara mula sa cellphone.

Tumawag ito para mangulit na pumunta daw ako mamaya sa wedding nung ka-workmate niya.

Eh hindi ko naman ka-ano ano yun bakit ako pupunta?

"Huwaw bakit ka naka-simangot teh?" Nakalimutan ko na nag-vc pala kami ni Vaness.

Sabi ko kasi sakaniya tuturuan ko siya na mag-gitara.

Nawala tuloy ako bigla sa mood.

"Teh naka-mute ka pa din. Sabog ka ba?" Sabi nito.

Nag-paalam kasi ako na may tumawag sakin saglit.

"Si Tiara. Inaaya ako pumunta sa wedding ngayon." Sagot ko dito.

"Shunga! Edi magbihis ka na! Isang beses lang yan sa buong buhay ng kaibigan mo. Sumama ka na gaga!" Natawa naman ako kay Vaness.

Kung si Tiara ang ikakasal pupunta ako.

Eh ang kaso parang wala namang umaabot sa standards ng babaeng yun.

"Hindi naman siya ang ikakasal! Ka-work mate niya lang. makikipag-chikahan na naman yun sa walang ka-kwenta kwentang bagay." Mahina kong sabi.

"Ano teh? Paki-lakas gaga!" Umiling na lang ako dito at sabi ko na lang sakaniya na magpapa-late na lang ako.

Ewan ko ba kung bakit pupunta pa din ako.

Si Vaness kasi pinipilit ako na pumunta kasi nakakahiya naman daw.

Hindi ko pa nasasabi kay Vaness ang tungkol sa treatment sakin ng mga kaibigan ko kaya akala niya ay okay lang.

Si Tracy lang ang nakakaalam.

"Oo papunta na." Iritableng sagot ko kay Tiara.

"Huh? It's Tracy." Nagulat ako nung makita yung unregistered number sa phone ko.

Hindi ko kasi napansin dahil kaka-labas ko lang ng CR.

"Saan mo nakuha ang cellphone number ko?" Tanong ko dito.

"Relax, hiningi ko kay Tiara. Actually, kasama ko sila ngayon. Pupunta ka pala?" Paki-elam niya kung pupunta siya.

Atsaka bakit naman ibibigay ni Tiara phone number ko sa isang "stranger".

Hindi naman porket hinatid niya ako sa bahay para takasan ang awkward atmosphere nung isang araw eh close na kami.

"Bakit ka ba tumawag?" Naiinis kong tanong dito.

"Well, hindi mo kasi ako tinatawagan kahit na binigay na sayo ng friend mo ang calling card ko. Kaya ako na mismo ang tumawag sayo." Hindi na lang ako sumagot.

Mi-nute ko na lang yung sakin.

"Anyways, sige na baka busy ka pa mag-ayos. Intayin na lang kita mamaya dito." Ibinaba niya na ang tawag.

Sa wakas naman.

Ano bang kailangan nun sakin?

"Bakit naman kami mag-uusap nun?" Sabi ko dito.

"Hindi ba obvious na bet ka niya?" Muntikan na akong mabulunan sa sinabi ni Vaness.

Yun? Gusto ako? Eh babae yun eh.

Naalala ko naman yung sinabi kahapon sakin ni Vaness.

Ang assuming ko naman noh!

Baka tsismosang palaka lang sa buhay ko.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon