Chapter 11

60 6 53
                                    


Sunny's Point of View

Simula nung nagka-usap kami ni Tracy sa wedding, walang araw na pumapalya siyang makipag-usap sa akin.

Minsan text o di kaya nag-video call din kami.

"Marunong ka pala mag-gitara?" Tanong ko kay Tracy.

Nag-vivideo call kami ngayon at nakita ko sa likod niya na may nakasabit na gitara.

Kinuha niya ito at umupo muli.

Bumwelo pa ito at nag "ehem."

Natawa kami pareho.

"Wow! Singer yarn?" Tanong ko at sumenyas lang ito ng "shh".

Napa-takip na lang ako sa tenga dahil hindi kaaya-aya ang pag-strum niya.

Ako ang naaawa para sa gitara.

"Siraulo ka talaga! Kailan ka kaya mag-seseryoso noh?" Asar ko dito.

"Hoy! Ano yang binubulong mo diyan? Nasisiraan ka na!" Gaya nung sabi ko nung nakaraan, madali lang namang pakisamahan si Tracy.

Atsaka isa pa, kapag kasama ko siya madalas na hindi kami nag-uusap tungkol sa mga problema namin.

Isa na din yun sa mga bagay na ikinatutuwa ko.

Madalas kasi na stressful ang pinag-uusapan kahit saan man ako mapunta.

"Ang sabi ko, matulog ka na! Anong oras na oh." Ma-awtoridad nitong sabi.

"Sabay tayo!" Aya ko dito.

Napatingin ako sa orasan ng laptop ko at nakitang mag-12 am na din pala.

May pasok nga pala kami bukas.

"Hala. Ang bilis ng oras." Dagdag ko dito.

"Ayan kasi masyado akong pinag-tripan." Natawa na lang kami ulit pareho at di nagtagal nag-paalam na din ako dahil nga may pasok pa ako bukas.

"Aba! Good mood ka ata?" Pagpasok na pagpasok ko yun agad ang bungad na komento sa akin ni Vaness.

Ang bilis talagang maka-pansin ng babaeng ito.

Wala ka talagang matatago dito eh.

"May nakita kang afam sa wedding noh?" Umiling ako agad at napa-ngiti.

"Si Tracy—" hindi pa man din ako tapos magsalita ay sumingit na ito.

"Sabi na eh! Asan na milktea ko?" Tanong nito.

Hala siya.

Seryoso pala siya dun?

"Gaga huwag mo lang akong ngitian! Kayo na noh?"

Agad-agad?

Huh?

Anong pinag-iisip mo Sunny?

Luh.

"Alam mo, mag-kaibigan lang kami nun! Masarap—"

"Agad-agad mong sinuko ang bataan?" Hindi ko na napigilang matawa sa mga reaksiyon ni Vaness.

Talaga nga naman itong babaeng ito oh.

"Masarap kasing kasama. Hay nako. Mag-trabaho na nga lang tayo." Pag-aaya ko dito.

Baka kung saan pa mapunta ang uspan.

Nag-chichikahan kami ni Vaness habang may biglaang customer na lumapit.

"Excuse me? A-ate?" Napatulala na lang ako nung makita ko si Terrence.

Malapit kasi ang work ng girlfriend niya dito kaya heto na-tyempuhan niya na ako ngayon.

Kinausap ko siya ng mahinahon at inaya sa loob ng pantry para mag-usap.

Noong una ayaw niya pa pero pumayag din siya dahil pinilit siya ni Vaness.

"Kailan pa ate?" Diretsahang tanong nito pagkapasok namin. Hindi ko na mapigilan na mapaluha sa harap nito.

"Kailan mo pa kami niloloko?" Napa-taas ang tono ng boses nito pero dama ko pa din na naiiyak na siya pinipigilan niya lang.

"Sorry. Hindi ko naman kayo gustong lokohin nila Mama. Natatakot lang ako." Pilit ko siyang hinahawakan sa braso pero inaalis niya ito.

Dumating na nga ang pinaka-kinatatakutan ko.

Ang may maka-alam kahit isa sa pamilya namin kung ano ang sitwasyon ko ngayon.

"Natatakot ako na baka kung ano na naman ang sabihin nila Mama tungkol sa akin." Patuloy akong nagpa-paliwanag dito pero umiiyak lang ito.

"Please. Terrence itago mo muna ito kay Mama. Gumagawa na ako ng paraan. Naghahanap na ako ng trabaho ulit." Tumingin lang ito sa akin at hindi na nagsalita.

Unti-unti siyang tumango bilang kasagutan.

Nung pareho na kaming naka-kalma, binigyan ko siya ng tubig.

"8 years na ako dun pero sa loob ng limang taon pinipilit ko na lang ang sarili ko na makisama sakanila. Okay naman yung unang tatlong taon eh. Pero bigla ko na lang nararamdaman na parang lahat ng gagawin ko mali o kulang. Alam ko hindi sapat na rason yun para sa iba. Pero naubos na ako Terrence. Alam mo naman na hangga't kaya ko, pipilitin ko kahit labag na sa kalooban ko, pero sagad na sagad na ako. Hindi ko masabi sainyo nila Mama kasi nung time na nag-resign ako biglang nagka-sakit si Papa. Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin dahil ayoko na dumagdag pa ako sa iisipin niyo."

Bigla na naman akong naluha habang kinukwento sakaniya ang tunay na rasonbakit ako nag-resign.

"Hangga't may paraan para kumita ako, kahit na hindi ito yung trabahong pinapangarap ko, ito muna pansamantala. Sana naiintindihan mo ako Terrence." Dagdag ko pa.

Lumapit ito sa akin at yinakap ako.

"Naiintindihan kita, ate. Ipangako mo lang sakin na sasabihin mo kila Mama sa araw ng graduation ko." Sabi nito.

Tumango na lang ako at yinakap siyang muli.

Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay may napag-sabihan na ako ng tunay na rason kung bakit ko iyon ginawa.

Hindi na din naman nag-tagal si Terrence at nag-paalam na din ito.

"Ano? Okay ka na?" Tanong sa akin ni Vaness nang maka-labas na sa coffee shop si Terrence.

"Mas okay." Ngumiti ito at yinakap ako ulit.

- - - - -

"Kapag mabigat na ang iyong nararamdaman, lagi mo sanang tatandaan na may isang taong handang makinig at intindihin ka sa kung ano mang problemang meron ka. Hindi magandang nagtatago ng katotohanan dahil mas mabuting harapin mo agad ang kapalit kaysa itago at ipilit na okay lang ang lahat. Hindi lang ikaw ang masasaktan kung hindi ang mga taong iyong pinag-tataguan."

-Sunny ^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon