Chapter 5

114 5 44
                                    


Sunny's Point of View

Matatapos na kami sa duty nang bigla akong ayain ni Tiara na mag-usap sa labas para naman daw hindi bahay-trabaho lang ang ginagawa ko sa buong araw ko.

"Sige na sumama ka na samin ni Reese." Tumawag siya at pinipilit ako na sumama sakanila kung saan man sila pupunta.

Kung mag-aya talaga itong si Tiara alanganin eh. Alam niya namang monday ngayon pero trip gumala.

"Oo na sige na. Saan ba kayo ngayon?" Natuwa ito nang tinanggap ko ang imbitasyon nila.

Medyo malapit lang naman ang location nila ngayon. Mukhang hindi inuman ang pinuntahan ng mga ito.

"Sino yun?" Tanong ni Vaness habang inaayos na din ang mga upuan dahil nga isasarado na din namin ang coffee shop.

"Kaibigan ko lang. Nag-aaya sa labas." Ngumiti lang ito at tumango.

"Ingat kayo ha. Lalo ka na teh." Paalam sa akin ni Vaness nung maghiwalay kami ng daan pauwi.

Halos 15 minutes lang nakapunta na ako sa loaction na sinend sakin ni Tiara. Sa isang 24-hrs open Samgyup restaurant ko sila natagpuan.

Mapapasabak ata ako ng puyatan dito. Mukhang madami-dami ang ichichika nung dalawa sa akin. "Yun sa wakas! Buti napapayag ka ni Tiara." Bungad ni Reese sakin habang inaalok yung upuan na bakante sa tabi niya.

"Oo nga! Sakto, madami pa naman akong mga ikukwento sainyo." Napangiti na lang ako at tumango sakanila.

Hindi naman sa ayaw ko silang makasama, pero madami na ring nagbago simula nung nagkaroon kami ng kanya-kanyang mga trabaho.

Si Tiara isa na siyang architect habang si Reese naman isa na ngayong teacher.

Hindi magkakapareho ang field na tinahak namin, at isa yun sa mga bagay na hindi nila naiintindihan.

Madalas kasi na kinukumpara nila ang mga trabaho ng isa't-isa, pero hindi na lang ako umiimik dahil kaibigan ko sila.

"So eto na nga, naalala niyo yung kinukwento ko sainyo nung last time na kabit yung ka-workmate ko. Ayun wala na sila teh." Mahilig nilang pag-usapan yung mga taong hindi nila nakakasundo.

Gusto ko mang intindihin ang pag-uusap nila, pero talagang wala akong ka-interes interes sa mga pinag-uusapan nila.

"Ang tahimik mo Sun. Ikaw naman magkwento samin! May natanggap ka na bang tawag sa mga inapplyan mo?" Tanong ni Tiara sakin.

Ayan nagsimula na silang mangulit tungkol sakin. "Wala pa." Matipid kong sagot.

"Hay nako teh! Dapat kasi nag-apply ka muna sa iba habang andun ka pa sa kumpanya niyo, para naman may back-up ka na in case na ganyan ang mangyari sayo. Kung hindi ka pa i-refer ni Tiara sa kaibigan niya baka nga-nga ka teh." Pangaral ni Reese.

Isa sa mga bagay na ayaw kong pag-uusapan ay yung tungkol sa akin at sa trabaho ko.

Gaya nga ng sabi ko sainyo kanina, magkakaiba kami ng field at dahil doon minsan hindi nila ako madalas na naiintindihan.

Actually, hindi talaga nila ako iniintindi.

Lagi kong nararamdaman na mali yung mga desisyon ko at kinukmpara nila sa mga desisyon nila.

As if naman wala silang katangahang ginawa?

Hindi na lang ako magsasalita.

Okay na yun. Para walang gulo.

"Nako Reese huwag mo munang sermunan si Sun. Mukhang wala siya sa mood. Anyways kain na tayo!" Mediator si Tiara sa aming tatlo, siya ang laging andyan para back-upan yung mukhang hindi na kumportable sa pinag-uusapan.

Mabuti na lang din at dumating na din ang order namin. Patuloy pa din sila sa pag-uusap habang ako naman ay kunwaring nakikinig sakanila at tumatango pa.

Naka-ilang beses na din akong tumingin sa phone ko para tignan ang oras. Halos tatlong oras na kaming nandito.

Ang tagal. Naiinip na talaga ako.

Gusto ko nang umuwi.

"Cr lang ako guys. Papunta na din kasama ko. I-refer mo siya dun sa kaibigan mong ikakasal Tiara." Hindi pa ba sila tapos mag-usap? May inimbita pa talaga silang isa pang tao? Gusto ko na talaga umalis.

"Hi, Tiara right?" Napalingon ako sa babaeng nag-abot ng kamay kay Tiara.

"Huy, Sunny. Wow nandito ka kasama sila ngayon?" Binati ako ni Tracy at ngumti na lang ako.

Tumabi siya sa akin at nakipag-usap na ng business matters kay Tiara.

Hindi nagtagal silang tatlo na ang nag-uusap at ako heto patuloy pa din ang pagpapanggap na interesado ako sa pinag-uusapan nila.

Isang photographer pala si Tracy. Nag-shoshoot sila ng mga kahit anong events pero ang madalas na kliyente nila ay yung mga ikakasal.

At habang tinitignan ni Tiara at Reese yung pinakitang portfolio ni Tracy tumingin ito sa akin at may binulong.

"Sama ka sakin." Nagtaka ako bigla sa sinabi niya pero ngumiti lang ito at nagsalita ulit.

"Is it okay kung magpasama lang ako kay Sunny na bumili ng kape? My treat don't worry." Sumang-ayon naman ang dalawa na busy pa din sa pagtingin sa mga pictures.

"Did I save you from the awkwardness?" Tanong nito sa akin pagkalabas na pagkalabas namin ng restaurant.

"Salamat." Maikling sagot ko.

Nagpatuloy lang kami sa paghahanap ng coffee shop hanggang sa makakita sa may kabilang kanto ng restaurant.

"Tahimik ka talaga noh?" Tanong nito sa akin. Tinignan ko lang siya at hindi na sumagot muli.

Habang nag-oorder siya ay umupo muna ako saglit at tinignan kung anong oras na sa cellphone ko. Mag-4:30 na at gusto ko na lang talagang tumakas.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya muli habang inabot sa akin ang isang kape.

"Sabihin mo sakanila na uuwi na ako." Tumayo na ako at inayos ang bag ko.

"Hatid na kita pauwi." Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko pero pumayag na din ako na sumama siya sakin pauwi.


- - - - -

"Lahat tayo ay may iba't-ibang kagustuhan at pananaw sa buhay. Kaya't walang sino man ang may karapatang pangunahan ka sa kung anong desisyon ang nais mong gawin sa buhay mo."

-Sunny ^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon