Chapter 4

121 6 40
                                    


Sunny's Point of View

Halos 10 am na din ako nagising.

Sakto lang naman para sa isang babae na wala namang magawa sa bahay kundi titigan ang pader.

Charot.

At dahil wala naman akong pasok at last day na ng weekend sasamantalahin ko na ang paglabas.

Naisipan kong maglakad-lakad muna para naman ma-exercise tong katawan kong panay hilata ang ginagawa.

Kinuha ko ang cellphone at earphones ko at tuluyan nang lumabas sa apartment.

Sumabay na lang ako sa mga tao sa labas na may dalang cute na mga aso.

Matapos ang 20 minutes na paglalakad nakahanap ako ng mauupaan kahit saglit lang para makapagpahinga.

Hindi ko napansin na napunta na pala ako sa kabilang village sa paglalakad-lakad lang.

Gagawin ko na nga ito tuwing weekends para naman "healthy living" na ang lola niyo.

Nag-pupunas lang ako ng pawis nang may mapadaang mga bata na nag-aaral magbike.

Naalala ko tuloy nung tinuruan ako ni papa. Talagang takot na takot ako nun dahil baka sumubsob ako at magkasugat, dahil sa sobrang pag-iisip ko ayun tuluyan na nga akong nagkasugat.

Noon palang talaga ang overthinker ko na noh? Siguro kapag nagkita kami ng batang Sunny (syempre hindi mangyayari yun) sasabihin niya sakin na "wala ka pa ding pinagbago ang tanda tanda mo na ganyan ka pa din mag-isip".

Siguro pinag-tatawanan niya ako kasi hanggang ngayon mas nangingibabaw pa din sakin ang mga pangamba imbis na magtiwala sa sarili kong kakayahan.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa mga batang nagbibike.

Pinag-tatawanan nila yung isang bata dahil nasubsob ito. Tumayo ako para lapitan ang bata at tinulungan ko. "Magsi-uwi na nga kayo. Imbis na tulungan niyo pinag-tawanan niyo pa." Pananakot ko sa mga bata dahilan para tumakbo sila papalayo sa amin.

Hinawakan ko ang kamay ng bata pati bike niya ay itinayo ko din. Sinamahan ko siyang umupo at hinayaan ko lang siya na umiyak.

Saktong may dumaang mamang sorbetero kaya naisipan kong bumili para sa bata. "Isang ice cream nga ho kuya." Iniabot ni kuya ang ice cream at umalis nang muli.

"Heto, alam mo ba kapag nababad mood ako lagi lang akong bumibili ng ice cream." Kwento ko sa bata sabay abot sakaniya nito.

"Thank you po ate." Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat.

"Kapag nanggulo pa sila ulit sayo sabihan mo lang ulit si ate ha? Akong bahala sayo bibilhan pa kita ng maraming ice cream pag nagkita ulit tayo." Tuwang-tuwa siya sa sinabi kong ito dahilan para mapangiti din ako.

"Yehey!" Mga ilang saglit pa ay dumating na din ang sundo ng bata at nagpaalam na din ako sakanya.

Siguro proud sa akin ang batang Sunny dahil may napangiti akong bata na gaya niya noon na nasubsob din dahil sa pag-aaral ng bike.

Nakabalik na din ako sa apartment at nagpahinga muna ako saglit bago naligo.

"Alam mo kung ako sayo Sunny maghanap ka na ng ibang kumpanya."

Narinig ko na naman ang boses ng boss ko na sumagi na naman sa isip ko. Minsan talaga nagkakaroon pa din ako ng glimpse sa mga nangyari noon sa araw na iyon. Parang kusa na itong paulit-ulit na nagpplay sa utak ko.

Para mawala sa isip ko ang bagay na iyon, nagsulat na lamang ako sa notebook ko gaya ng nakagawian.

Dala-dala ko ang notebook na ito kahit saan, dahil minsan kahit nasa trabaho ako bumabalik sa isip ko yung mga scenario na dapat kinakalimutan ko na.

Ginagawa kong escape ang pagsusulat.

Once na nasimulan ko na, tuluyan na akong nawawala sa reyalidad at pumapasok sa mundo ng imahinasyon.

Ang weird man pakinggan pero kapag nag-start na akong magsulat asahan mong wala na akong pake sa mga sasabihin mo dahil ayokong naiinterrupt ako kapag nagsusulat.

Tama na nga.

Panay bukam-bibig ko na ang pagsusulat. Sadyang miss ko na talaga. "Hindi bale Sunny makakapagsulat ka rin ulit balang-araw." Sinarado ko ang notebook ko at humiga muna sa aking kama para umiglip.

- - - - - -

"Kapag may nangyaring hindi maganda sa araw natin, madalas na nililibang natin ang ating sarili para makalimutan ito. Tumatakas tayo sa pag-iisip ng bagay na alam nating ikababahala lang natin, pero dapat din nating tandaan na ang pagtakas ay panandaliang oras lamang. Marapat pa din nating harapin ang bawat pagsubok na dumaraan sa buhay natin dahil sarili lang din natin ang tutulong satin na magbigay solusyon dito."

-Sunny ^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon