Sunny's Point of ViewUmuwi talaga ako ng inis na inis, pero in fairness naman sa gupit ko ha.
Atleast bagay sa akin!
Minsan may silbi din talaga ang pagka-impulsive ko.
Tama!
Makapag-post nga sa Instagram.
Hindi na naman ako nakakapag-post dun matagal na.
Matapos ko itong i-post ay naligo na muna ako dahil ang kati pa din ng buhok ko kahit na gumamit na kami ng brush para alisin mga buhok.
Ang refreshing from shoulder-length na buhok ko to this haircut.
Anlaki nang pinagbago!
Plus wala na akong itatali haha!
Nagsusuklay pa lang ako ng buhok sa may CR rinig ko na ang cellphone ko mula sa labas na may tumatawag sa messenger ko.
Aba sino naman kaya?
Si Tracy kaya?
Heh!
Wala na akong pake sa babae na yun!
"Atsaka magkaibigan lang naman kam kaya syempre ano naman sakin kung makipag-kita siya sa kahit na sinong babae no!"
Hay!
Ang baliw ko na!
Kinakausap ko sarili ko sa salamin.
As expected!
Si Tracy haha.
Inignore ko nga muna.
Bahala siya sa buhay niya.
Maypa-tanong tanong pa bakit daw bigla kaming nawala sa mall ni Vaness.
Malamang tinaguan ka.
Kundi ba naman tanga haha.
Endi ba obvious?
Natuwa naman ako sa mga nagulat at naglike sa post ko.
May mga nag-comment na heartbroken daw ba ako. O
kaya naman naninibago dahil madalas nila ako nakikitang "dora look".
Si Tracy nag-comment din ng heart.
Pake ko sa heart mo te?!
Pero eto maiba lang, sobra ko din talaga na-aappreciate mga tao na nakaka-appreciate ng simple kong pagmumukha!
Nakaka-boost ng confidence pag ganun te!
"Hala shuta! Nakatulog na pala ako agad? Umaga na buset!" Nagising na lang ako sa alarm ng cellphone ko.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Ang masama basa yung buhok ko nung nakatulog ako.
Huwag naman sanang lumabo ang aking mata.
Mga kasabihan talaga ng mga matatanda eno.
Ngayon din pala ako bbyahe papuntang Cavite.
Sabi ko kila mama na baka medyo tanghaliin ako kaya mauna na sila sa sementeryo.
Susunod na lang ako dun, pero hayun ang kulit bukas na lan daw sila pupunta dahil bukas pa naman talaga "All Souls' Day".
Sa ngayon daw ay ipaghahanda nila ako sa aking pagdating.
Ang tanong:
May balak ba akong sabihin kila mama ang tungkol sa pag-reresign ko?
Syempre.

BINABASA MO ANG
Save Me
JugendliteraturSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...