Sunny's Point of ViewMag-iisang linggo nang walang paramdam sa akin si Tracy.
Talagang tinotoo niya na yung hindi pakikipag-usap at hindi pakikipag-kita sa akin.
Ang sakit tangina.
Sa akin naman kasi unang nanggaling tapos ngayon hahanap-hanapin ko siya.
Tanga mo Sunny.
"Alam mo teh, huwag ka nang umasang babalik pa yun. Kung ako sayo maghanap ka na lang ng work mo para maging occupied naman utak mo." Payo ni Vaness.
Hindi pa din kasi ako maka-get over sa nangyari.
I-tatry ko naman talaga sanang mag-explain kaso bi-nlock niya na ako.
Ano pang saysay ng explanation ko kung hindi niya rin naman makikita.
Ganoon ba talaga siya katigas?
"Miss? I'm asking kung ano ang best-seller niyo dito? Mukhang lutang ka ata?" Napatingin ako sa customer.
Si Tiara pala.
"Akala ko kung sino! Long time no see ah." Sabi ko dito habang pinupunch ang order niya.
"Ikaw? Musta ka? Ang tagal mo nang hindi sumasama samin ni Reese."
Nagpaalam muna ako kay Vaness na siya muna ang bahala at makikipag-usap lang ako kay Tiara saglit.
"So? How's life? I see, mukhang nakahanap ka na ng bagong bestfriend." Ngumiti ito at napatingin lang sa hawak niyang kape.
"You know what Sunny? I'm happy seeing you happy again. Matagal na kasi kitang hindi nakita na sabog." Biro pa nito.
Nagtataka naman ako bigla dahil hindi naman kasi seryosong tao itong si Tiara.
"I miss the old Sunny. And we are sorry kung isa kami sa naging dahilan kung bakit unti-unti kang nawala sa amin." Napatingin ito sa akin at parang nangingilid na ang luha.
"Alam mo, nagseselos ako kay Vaness kasi parang mas close na kayo kaysa satin." Hinawakan nito ang kamay ko.
"You don't deserve us, Sunny. Sorry kung nagyon ko lang sinabi. I've always been so aware na hindi ka na kumportable sa amin pero umaasa ako na baka sakaling magiging open ka ulit sa amin just like before. I guess hindi na sa amin. Sa ibang tao na."
Napatinin ito sa gawi ni Vaness.
Bakit parang gusto ko na din maiyak sa mga sinasabi ngayon sa akin ni Tiara?
"I'm still here Sunny. Kung kakailaganin mo pa ako sa buhay mo. I'm just happy seeing you better than before. Actually, pumunta lang naman talaga ako para mag-sorry. You know that I hate coffees."
Ngumiti ito na ibinaba na ang kapeng hawak. Hindi niya ito ginalaw.
"Mahal ko kayo ni Reese, Tiara. Alam niyo yan. Kaya kahit kailan hindi ko piniling iwan kayo. It's just that, nung mga nakaraang linggo narealize ko na mas kailangan ko muna ang sarili ko kaysa magpanggap na naman sainyo." Sagot ko dito.
Hindi na nito napigilang maiyak.
"Para saan ba naman yung salitang pagpapatawad kung hindi ko yun gagawin sayo? Sainyo ni Reese. Syempre kaibigan ko kayo matagal na. Handa ko kayong patawarin. Hindi ko din naman alam kung paano nangyaring naging distant na ako sainyo, pero handa akong ayusin ulit ang relationship ko na kasama kayo."
Matapos kong sabihin ang aking saloobin ay nagyakapan kami.
Sobrang gaan sa feeling eh.
Atleast willing sila na baguhin lahat at ayusin ang friendship namin.
Hindi man nakadating si Reese dahil meron itong trabaho, nagpaabot ito ng e-mail sa akin.
Dear Sunny,
I'm really sorry if I ever made you uncomfortable. Nag-usap na kami ni Tiara tungkol dito at mas gugustuhin ko na ayusin ang attitude ko kaysa pakawalan ka. You are one of the reason why I am successful today. Dahil sainyo yun ni Tiara. Hindi niyo ako iniwan sa mga araw na nasa lowest points ako. I hope mas narealize ko yun nang mas maaga. Sana imbis na sermonan kita niyakap kita nang mahigpit. I hope it's not too late. I love you so much Sunny. Nandito kami lagi ni Tiara para sa iyo.
Hindi ko na napigilang mapaluha habang bumabyahe ako pauwi.
Ang swerte ko pa din sakanila dahil mahal nila ako at willing silang i-save ang friendship naming tatlo.
Aaminin kong madami pa din akong dapat i-work on sa sarili ko pero,
I am happier now.
- - - - - -
"Pagpapatawad. Ang hirap magbigay niyan lalo na kung ang taong yun ay sinira ang tiwala mo, o di kaya isa sa mga naging paraan para maramdaman mong "iba" ka sakanila. Pero tao lang din naman tayo, nasasaktan at nakakasakit kaya kung willing naman na magbago bakit hindi bigyan ng isa pang pagkakataon? Ibigay lang ito sa karapat-dapat at hindi para sa lahat. Pero bago mo bigyan ng isa pang pagkakataon, patawarin mo muna."
-Sunny ^-^

BINABASA MO ANG
Save Me
Novela JuvenilSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...