Tracy's Point of View"Ikaw? Musta araw mo?" Tanong sa akin ni Sunny.
Magka-video call kami ngayon.
Nakuwento niya sa akin na alam na ng kapatid niya ang tungkol sa pag-reresign niya.
"Ako? Wala naman." Matipid na sagot ko.
"Okay ka lang?"
Sa totoo lang hindi.
Naalala ko yung sinabi sa akin ni Ynna sa araw ng wedding nung isang linggo.
"Ikaw ah! Kapag yan iniwan ka ulit gaya nung huli mo."
Ilang araw na talaga akong na-bobother.
Tapos nagpunta pa si Bea sa office para makipag-usap sakin kanina.
"Tracy ganyan ka na ba katigas ngayon? Nag-sosorry na ako. Balikan mo na ako please." Parang kasalanan ko pa ngayon na hindi ko siya mapatawad agad?
Pinapatawa ata ako nito eh.
"It's been 5 months since we broke up, Bea. Sana naman maintindihan mo na hindi ganoon kadali mag-bigay ng chance lalo na kung ganyan ka ngayon. Pinapakita mo lang sakin na tama na naghiwalay na tayo." Wala akong pakielam kung masakit yung nasabi ko.
Kulang pa yan sa mga ginawa niya sa akin.
"Kaya ka ba ganyan kasi may dine-date ka nang iba? Ha? Sabihin mo nga sakin? Sino yang bago mo?" Hinawakan niya ako sa wrist pero tinanggal ko ito agad.
"Meron man o wala. Hindi mo na kailangang malaman pa. Sige na umalis ka na."
"Akala ko ba mahal mo ako? That night. Magulo pa ang isip ko. What would you expect me to do? Nabigla ako, Tracy."
Umiyak na ito sa harap ko dahila para yung ibang staff at kliyente namin ay mapatingin.
"You know what? Tama ka. Ano pa nga ba ang aasahan ko sayo? Hindi na ulit ako hahanap ng gaya mo don't worry."
Iniwan ko siyang mag-isa sa office at nagpakalayo-layo muna.
"Seryoso mo ngayon. Hindi ako sanay." Komento ni Sunny.
Natatawa na lang ako sa sarili ko.
Sinabi ko kay Bea na hindi ako hahanap ng gaya niya pero mukhang ganoon din si Sunny.
Ano pa bang aasahan ko sa mga straight?
Pagod na akong makarinig ng "nabigla ako sorry"
"hindi ko pa kayang sabihin sa parents ko"
"hintayin mo ako hangga't sa magkaroon ako ng lakas ng loob"
Eh puta.
Halos lahat ng past relationships ko ayan ang sinabi sa akin pero tignan mo ngayon?
Wala ni isang handa ako ipaglaban at ipagmalaki.
20 years old ko nalaman na hindi pala lalaki ang gusto ko. Kung hindi babae.
Halos 5 taon ko ding itinago sa pamilya ko na lesbian ako, at para danasin pa ulit na magtago.
Nakakasawa na.
I think I don't deserve to be treated like that.
Noong una, okay pa eh.
Naiintindihan ko naman tumagal kami ng 8 years nung una kong girlfriend dahil nga okay lang sa akin.

BINABASA MO ANG
Save Me
Fiksi RemajaSa pamamagitan ng panulat at isang malinis na papel ay nakakapagsulat si Sunny ng mga saloobin niya. Isang malaking parte ng buhay niya ang pagsusulat. Ano na lang ang mangyayari sakaniya kung ang trabahong pinaka-mamahal niya ay pinag-desisyunan n...