Chapter 9

61 6 72
                                    


Sunny's Point of View

"Vaness? Pwede mo ba akong samahan ngayon?" Dahil sa mga nangyari kahapon mas gumaan ang loob ko kay Vaness.

At ngayon, inaaya ko siya na sumama sa akin sa mall. Hindi na kasi ako nakakagala sa mall.

Dati kasama ko sila Tiara pero unti-unti na din napalayo yung loob ko sakanila. "Oo ba! Go ako kung tungkol sa chika!" Natuwa naman ako dito.

Binaba ko na din ang tawag at ang sabi ko magkita na lang kami sa harap ng mall.

Habang maaga pa naman ay naisipan ko na mag-ayos muna ng bahay bago ako maligo.

Mga 11:30 na din nung nakapunta ako sa mall. Kita ko na agad si Vaness dahil kuakaway-kaway pa ito.

"Tagal mo!" Pagkalapit ko ay agad niyang nilagay kamay niya sa bisig ko.

"Halos isang oras akong naghintay." Sabi nito.

"Hala, sorry na!" Sabi ko agad dito.

Sa totoo lang, mas gusto kong ako yung late kaysa ako yung naghihintay.

Medyo nagka-trauma na ako sa mga paghihintay na yan eh.

Charot.

"Joke lang ito naman! Mga 10 minutes lang akong mas maaga sayo." Pumasok na kami sa loob para maghanap ng unang pag-iikutan.

"Kain muna tayo." Sabi ko.

Tumango naman ito at hawak hawak na ang tiyan niya.

Gutom na nga.

Pumasok kami sa KFC at umorder ng kakaining pagkain.

"Musta na nga pala kayo ni Tracy? Tinawagan mo na ba siya?" Bungad na tanong sa akin ni Vaness habang kumakain.

Actually, nawala na sa isip ko na binigyan niya nga pala ako ng calling card.

Atsaka ano namang gagawin ko dun? Hindi ko naman siya ka-close.

"Bakit naman kami mag-uusap nun?" Sabi ko dito.

"Hindi ba obvious na bet ka niya?" Muntikan na akong mabulunan sa sinabi ni Vaness.

Yun? Gusto ako?

Eh babae yun eh.

Well, hindi naman ako against sa mga LGBTQ members noh! I actually admire their bravery.

Lalo na at napaka-judgemental ng bansa natin, they manage to express their sexuality freely.

Syempre para sa mga member na nagtatgo pa, nakakamangha na kaya nila na magtago ng napaka-tagal and eventually mamumukadkad sila sa oras na ramdam na nilang gusto nilang maging malaya. It takes time at hindi yun madali.

Kaya kudos to all of the LGBTQ members.

You are brave.

"Mukha namang hindi siya pumapatol sa babae." Sagot ko kay Vaness.

"Ano ka ba! Depende naman sa gender expression nila yan! Basta ha! Pag naging kayo! Ililibre mo ako ng milktea." Natawa naman ako at tumango na lang para hindi na ito mangulit.

Matapos naming kumain nagikot-ikot kami ni Vaness sa kung saan saan hanggang sa mapunta kami sa pet shop.

"Hala! Ang cute ng mga aso Sunny!" Tumakbo siya papasok sa loob nito at tumingin ng mga iba't-ibang aso doon.

"Ang cute." Komento ko sa isang bischon.

"Alam mo ba! Mahilig kasi kapatid ko sa mga aso, kaya kapag pumupunta yun sa bahay dinadala niya din yung mga aso niya. Nakakawala ng stress jusme!" Kwento sa akin ni Vaness.

Lumapit sa amin ang isang nag-guguide. "Gusto niyo pong hawakan Maam?" Tanong nito sa amin. Gusto ko sanang tumanggi pero pumayag na si Vaness.

"Nakakatakot baka kagatin ako." Sabi ko kay Kuya.

"Nako Maam hindi yan basta himasin niyo lang ang ulo." Ibinigay niya sa akin ang bischon at gaya ng sinabi niya ganoon din ang ginawa ko.

Sobrang natuwa ako dahil totoo ngang nakakawala ng stress yung ka-cutean ng mga aso.

Parang gusto ko tuloy na bumili ng aso.

"Nako, bibili na yan!" Pang-aasar ni Vaness.

"Siguro kapag stable na yung trabaho ko tsaka ako bibili. Magastos din kasi mag-alaga ng aso no! Dapat comitted ka sa mga responsibilities." Sabi ko.

"Waw ha! Maka-comitted ah. Love ba yarn?" Natawa na lang kami pareho.

Na-enjoy ko ang pag-gagala namin ni Vaness lalo na at may bago na naman akong natuklasan sa sarili ko.

Nakakatuwa lang isipin na may mga bagay talaga na sa una akala natin hindi natin magagawa dahil hindi naman ito sakop ng comfort zone natin.

Pero ang totoo niyan hindi pa kasi natin sinusubukan ay tumatanggi na tayo agad.

Kagaya ko, na-realize ko na gusto ko pala mag-alaga ng aso.

Babalikan ko yung bischon na yun kapag naka-balik na ako sa writing industry.

"Vaness. Salamat ha? Ngayon lang kasi ako naka-labas ng bahay. Madalas kasi na sa grocery at bahay lang umiikot ang weekends ko." Pasasalamat ko dito.

"Nako! Wala yun! Basta andito lang ako kapag need mo ng kasama gumala." Sabi nito.

- - - - -

"Nakakatakot na tumuklas ng bago lalo na kung sanay ka na sa mga madalas mong ginagawa. Kagaya ng pag-papapasok ng bagong tao sa buhay ko, nakakatakot dahil nasanay na ako kila Tiara at Reese pero hindi mo naman malalaman hangga't hindi mo sinusubukan. Masasabi ko na hindi ko pa gaanong kilala si Vaness, pero isa ito sa mga bagong bagay na sa tingin ko ay hindi ko pagsisisihan."

-Sunny^-^

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon