Chapter 30

191 6 87
                                    


(Play "Sol at Luna"by Geiko while reading)






Sunny's Point of View

"Huy, nasan ka na teh? Masyado ka talaga pa-special eno? Tinatanong ka na sakin ni Tiara. Bahala ka dyan ah. Nagtatampo na ito." Tinawagan ako ni Vaness para sabihing magmandali na.

Akalain mo nga naman na ikakasal na si Tiara.

Nagpustahan pa nga kami noong tatlo na siya ang mahuhuli na ikasal sa amin (mukhang ako na yata) dahil napaka-mapili talaga ni Tiara pagdating sa mga lalaki.

Tapos ngayon heto ako aattend na sa kasal niya.

"Nako, ang tagal mo kumilos Sunny! Baka late na tayo." Singhal ni Mama.

Ayaw din kasi niyang nale-late sa mga ganitong importanteng okasyon.

Parang siya pa yung kaibigan ni Tiara sakin.

Charot.

Dumating kami dun 20 minutes bago magsimula ang misa.

Nakita ko si Tiara bago kami pumasok ng simbahan.

Ang ganda niya. Kitang-kita ko ang mga ngiti sa mata niya.

Masaya ako para sa kaibigan ko.

Deserve niya ito.

"Buti naman naka-abot ka pa! Pa-special ka talaga eno?" Sabi sakin ni Reese.

"Aba dapat lang na pumunta yang si Sunny kung hindi magtatampo talaga ako." Dagdag naman ni Tiara.

Matapos ang chikahan at pag-dadrama ay pumunta na kami sa pwesto namin sa labas ng simbahan kasama ang bride.

Ilang saglit na lang bubukas na ang pintuan ng simbahan at makikita na nila si Tiara.

Iba talaga yung beauty ng mga kinakasal ano? Gumaganda sila sa pinaka-mahalagang araw sa buhay nila.

At ganoon si Tiara ngayon.

Hindi ko na napigilang mapaluha dahil masaya ako na nakikitang masaya ang mga kaibigan ko.

"Gaga mamaya ka na umiyak sa reception. Masisira make-up mo."

Bulong sa akin ni Vaness napangiti naman ako kaya tumingin ako sa itaas para piglan ito.



Pagkatapos naming samahan ang bride sa ibang pwesto ako napunta dahil nga bridesmaid kami, kaya lumilingon-lingon pa din ako kung saan nakapwesto sila Mama.

Nagsalitan na sila ng wedding vows at sa ilang saglit na lang reception na.

Charot.

Halos dalawang oras din yata kami sa loob pero hindi naman ako masyadong nainip dahil nag-chiichikahan naman kami nila Reese.

Ka-trabaho ni Tiara ang naging asawa niya mabuti nga may pumasa sa standards ng babaeng yan, noong college pa lang kami grabe na yan mang-reject sa mga lalaki.

Eh kaso, nakahanap ng katapat kaya hayan nauwi sila sa kasalan.

Sa wakas reception na!

Sino ba namang hindi maeexcite eh kaming tatlo ang nag-critique ng mga pagkain na i-cacater.

Looking forward pa naman ako sa sisig.

Ang sarap kasi ng gawa nila.

"Ano order mo?" Tanong nito sa akin.

"Sisig." Sagot ko dito.

May mga bagay pa din talagang naaalala ko siya pero hindi na siya big deal sa akin.

Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon