Chapter 07 - With his step brother

242 15 0
                                        

***

MEUX WINSLET POV

Pumasok ako sa room at dumiretso sa kinauupuan ko “Mabuti naman at pumasok ka” sabi ng isang babae‚ nakalimutan ko kaklase ko pala ang mga apat na babae kanina

Bumuntong hininga ako “Hindi ko nga alam kung nasaan si Nubela tsaka diba kayo yung mga kaibigan niya? Bakit niyo sa'kin hinhanap eh hindi nga kami close non” pagsisinungaling ko‚ sa totoo lang hindi ko pa nasasabi sa kanila na pumuntang San. Antonio si Nubela‚ magbabagong buhay yung tao tapos guguluhin pa nila?

“Maang maangan ka pa eh ikaw nga yung huli niyang kasama bago ito maglaho‚ kung ako sayo sabihin mona kung nasaan ang hinahanap namin kung ayaw mong mapahamak!” sabi nito, ano bang ibig niyang sabihin mapahamak?

Haha ako si Winslet? hahayaang may masamang mangyari sa katawang 'to? Gosh mapapahalakhak nalang ako like b*tch kaya kong ipagtanggol ang sarili ko

“Wala siyang sinabi sa'kin na pupuntahan niya‚ eh hindi nga kami nag uusap sa time na 'yon tsaka hindi ako namamansin ng hindi ko kaclose kaya pwede ba tantanan niyo na ako?” inis na sabi ko sa mga 'to‚ bakit ba nila hinahanap si Nubela? Ano bang ginawa niya sa mga ito? At bakit galit na galit ang mga 'to sa dati nilang kaibigan? Kaibigan nga ba? Hindi ba nagpaalam si Nubela bago nito iwan ang mga kasama?

“Umalis siya sa grupo namin ng walang salita at sa grupo namin may batas kaming sinusunod‚ ang sinumang aalis sa grupo ay kailangan namin itong pahirapan kahit ikamatay pa nito‚ kaya kung ako sayo sabihin mo na ang mga nalalaman mo!” sigaw nito sa'kin

‘Meganon?’

“Hakdog” yan lang nasabi ko at humikab aist inaantok na'ko‚ kailan ba aalis ang mga 'to at ng makatulog nako??

“Humada kasi kapag nalaman namin na may kinalaman ka kung nasaan ang babaeng yon‚ I swear lilipad talaga ang mga ngipin mo sa ere” seryosong sabi nito at iniwan ako

‘Panong lipad ba?’

Napailing nalang ako at natulog‚ aist wala talaga akong matinong ginagawa dito sa school tsaka 'di naman nila malalaman na nakipag usap ako kay Nubela kasi sino ba naman ang nakarinig non eh sa taas kami ng jeep nagusap habang patuloy parin ito sa pagtakbo?

“Hoy Winslet saan kaba sasali?” naalimpungatan ako ng biglang may yumugyog sakin‚ nakakainis naman‚ sasali saan naman!??

“Wala akong sasalihan‚ lumayas ka nga dito natutulog yung tao eh!” bulyaw ko dito pano ba naman kasi isturbo!

“Luh dapat meron‚ mababagsak ka niyan tas—

“Bakit ano bang meron?” tanong ko dito habang nakatalukbob parin sa table ko

“Sa intrams ano ka ba? San kaba sasali sa modern dance? Pageant? or what?” tanong nito

“Wala”

“Dapat nga daw meron sabi ni Ma'am!” inis na sabi nito‚ wala nga bakit ba nila ako pinipilit sa ayaw ko

“Kahit ano” sabi ko nalang dahil inaantok pa ko‚ siguro dahil ang kinis ng pagmumukha ko dahil palagi akong natutulog haha sabi kasi nila nakaka babyface daw ang pagtulog ng mahaba

“Sige” maikling sabi nito at lumisan ‘hayst better‚ walang maingay’

"Oh vice kahit saan daw sasali si Winslet”

Maya maya narinig ko ang maliit na hagikgikan ng mga kaklase ko‚ tsk may pinag chichismisan nanaman ang mga 'to

“Ano sinulat mo ang pangalan ni Winslet sa mga listahan ng sasali sa pageant!?” rinig kong bulong ng isa kong kaklase at humagikgik ng mahina

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon