Chapter 31

163 2 0
                                        

“Keius”

Bumagsak ang balikat ko, sa isang iglap ay nawalan ako ng pag-asa na makalaya.

Hawak ng tauhan niya ang driver na naghatid sa akin dito, ganon din ang iilang tauhan ni Samantha.

Lumapit sa akin si Keius at hinawakan ng mahigpit ang aking braso.

“Ano ba!” sigaw ko at nagpumiglas.

“You want to escape, right?” mapanlarong tanong nito.

Marahas niyang binitawan ang braso.

“Okay, I will play with you”

Want to play amp*cha‚ kahit anong laro naman yan hinding hindi ako mananalo laban sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin? Ayoko” sagot ko sa kanya.

“What do you mean?” taas kilay nitong tanong.

“Ipakulong mo nalang ulit ako” ani ko at pumasok sa kanyang kotse.

May inutos ito sa kanyang mga tauhan bago pumasok at naupo sa tabi ko.

“Pwede bang sa kulungan mo nalang ako dalhin, kasawa na sa bahay mo eh‚ may kasama akong disgusting piece of sh*t” mahinang sabi ko.

“What a sharp tongue, do you want to meet mine?” seryoso ng sabi nito.

Bumuntong hininga ako “Bakit ba ayaw mo akong pakawalan?” tanong ko sa kanya.

“Why would I let you go when you killed my mother, let's live in a miserable life together” walang emosyong sagot nito.

Keius have nothing now‚ si tito Silver is nowhere to be found.

Sabi sa akin ni Keius noon ay inimbestigahan niya ang kaso ko at nakumpirma kuno na ako yung pumatay kaya ngayon hindi niya ako pinapaniwalaan kahit ilangbeses ko ng sinabi na hindi ako ang pumatay kay mommy Avi.

‘Paano ko na malilinis ang pangalan ko sa sitwasyon kong ito?’

Kung ang mga taong nakapaligid sa akin ay tinuturo akong mamatay tao? Sa totoo lang ay hindi ko alam kung malilinis ko pa ba ang pangalan ko.

Malinis na malinis ang pagkagawa nila sa krimen‚ walang ibang ibidesya ang iniwan ng culprit maliban sa fingerprints ko sa crime weapon.

Isa pa pulis at si Keius mismo ang nakasaksi na duguan ako habang si Liah at si tita Avi ay wala ng buhay.

Kaya ko ba ito?

Nakarating kami sa bahay ni Keius, nauna itong bumaba sa kotse.

“Hold her tight then follow me” utos ni Keius sa kanyang mga body guards.

“Aray! Nasasaktan ako!” daing ko.

“Bear it since you're stubborn” sabi ni Keius.

Umakyat kami sa second floor hanggang sa nasa harapan ko na ang kwarto ni Keius.

“Bakit dito?” mahinang tanong ko.

Naunang pumasok si Keius bago ako tinulak papasok ng kanyang mga body guard at nilock ang pinto.

“Buksan niyo ito!” pinagpag ko ang pinto.

“You're so noisy” sabi ni Keius sa likuran ko at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

“Aray” daing ko, parang may black eye na ang braso ko.

Nakita ko si Keius at may hawak itong kadena.

Marahas niya akong pinaupo sa kama,   lumuhod ito at sapilitang niyang kinuha ang paa ko at nilock ang kadena.

Tinignan ko ang braso ko at nakumpirma nga na may pasa ito.

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon