Chapter 03 - Lazy brat

109 16 0
                                    

***

Nadismissed kami ng wala akong natutunan, well normal na iyon sa akin‚ lumabas ako sa room at hinanap yung bike ni Mio na iniwan ko lang sa labas ng school kaninang umaga

Agad ko naman itong nakita sa gilid ng gate kaya kinuha ko na ito at sumakay

'Kahit kailan talaga ang tamad mo Winslet‚ biruin mo natulog ka lang magdamag hanggang uwian na'

umiling-iling nalang ako habang sumiaipol

"Kailangan ko pa bang sa gilid dumaan eh wala namang sasakyan" sabi ko sa aking sarili at pumagitna sa kalsada "Yahoo" sigaw ko ng nasa pababang daan na ako sabay taas ng dalawang kamay "Ang saya-‚ whaaa may hummppppss!" 'di ko na naipreno yung bike dahil agad akong tumilapon

"Aray ko yung pwe-

'Beeeeeep!'

Nanlaki ang aking mata at agad nagpagilid ng makita ang mabilis na Van papunta sa direksyon ko‚ mabuti pa talaga at agad akong nakailag kung hindi ay nadalisan na ako

"Amp*ta kita nga niyang pababang daan to eh‚ hindi pa niya dinahan dahan ang pagpapatakbo sa Van!" inis na sabi ko‚ pinuntahan ko yung bike na nasa gitna pa din ng kalsada at agad nadagdagan ang aking inis dahil nadalisan ang isang gulong nito

"Bwisit paano ako makakauwi nito‚ ano nang gagamitin ko?" tanong ko sa aking sarili  "atsaka anong sasabihin ni Mio pag nalaman niya 'to?" tanong ko ulit sa sarili ko 'hay nako kasalanan mo lahat to Winslet eh!' sermon ko sa utak "Kindi kasalanan to lahat ng bobong nagmaneho sa Van!" sabi ko ulit sa aking sarili 'hindi! kasalanan mo ito Winslet kung hindi ka pa ba naman bobo at hindi pumagitna sa daan ay marahil ay hindi na ganyan ang bike ni Mio ngayon!' sagot ng aking ulo, p*tangina pupukpukin ko na ba ang aking sariling ulo?

"Ano ng gagawin ko dito‚ alangan naman buhat buhatin ko 'tong bike na 'to hanggang makauwi ako eh ang layo pa naman sa aamin?" sabi ko sa sarili 'mag taxi ka bobo'

"Talino mo talaga utak"

Gumilid ako para maghintay ng dadaan na taxi‚ maya maya napa upo ako sa gilid ng kalsada dahil wala paring dumadaan na masasakyan ko‚ dumidilim na pero wala paring dumadaan "Kapagod palang mag hintay sa wala"

Kinuha ko yung bike‚ hayst maglalakad nalang ako‚ sa hindi inaasahan may biglang huminto na sasakyan sa harap ko kaya huminto din ako sa paglalakad at tinignan ito

Binaba nito ang bintana ng kanyang kotse kaya nakita ko yung driver‚ si sir Math‚ yung bagong gwapong prof. namin sa math! teka ano palang pangalan nun?

"Hi you're Winslet De Villian right?" tanong nito kaya napatango ako bilang sagot "Uhmm anong nangyari diyan?" turo niya sa sirang bike na hawak hawak ko

"Nadalisan" maikling sabi ko‚ hayst nakakahiya talaga ako, wews may hiya pala ako

"Oww I think‚ kailangan mo ng tulong‚ mind if I'll send you home?" nagliwanag naman ang mata ko dahil sa tanong nito like totoo ba? syempre hindi ako tatanggi‚ sino ba naman ang gustong maglakad sa limang kilometer

"Seryoso po kayo? Sige po haha" sabi ko at walang kahiya hiyang binuksan ang back seat at pinasok yung bike ni Mio‚ umikot ako at binuksan ang passenger seat tsaka umupo 'hindi niya naman siguro ako itatangay hindi ba?'

"Uhm sorry po sir sa abala hehe‚ ano kasi‚ kanina pa kasi ako naghihintay ng taxi kaso walang dumadaan‚ kaya napagpasyahan ko nalang na maglakad" mahabang sabi ko

"Don't be sorry its okay btw diba sa San Ignacio ka nakatira ang layo naman ng lalakarin mo?" tanong nito‚ nagtaka naman ako kung bakit niya alam kung saan ako nakatira‚ stalker ba siya? "That's not what you think‚ nakita kasi kita sa bahay nina Kiero nung nagpapool party siya‚ then I asked him kung sino ka, he answered that you're his younger sis" paliwanag nito habang nakatingin sa daan, napatango tango nalang ako

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon