Chapter 14

186 12 0
                                        

***

"May naghatid sa akin? Ewan ko diko kilala yun" sabi ko kasi di ko naman talaga kilala yung sinasabi nilang taong yon, bakit ba kasi wala akong maalala, yung naaalala ko lang ay yung pinuntahan ko yung bag na naiwan ko sa gilid ng kalsada tapos? Tapos yon lang

"hay nako Winslet umamin kana kasi, sabi niya pa kahapon lasing na lasing ka kaya ka nakatulog, di ko alam na umiinom kana pala" sabi ni Sophia at nag cross arm

"Oo nga, jowa mo ba talaga yon!? Sabihin mo na kasi yung totoo, kagabi pa ako isip ng isip kung sino 'yon eh, magsalita ka naman kung totoong jowa mo yon or else maprapraning na talaga ako dito!?" bulyaw ni Kiero, isa pa tong lalaking 'to anong pinagsasabi niya?

"Anong sabi mo?" taas kilay na tanong sa kanya ni Sophia

"Omg ka Ma! S-syempre consern lang ako kay bunso, pano kung may jowa na eh ang bata bata pa niya d-diba?" tanong ni Kiero

"Wala akong maalala kung anong nangyari kagabi, tsaka waka akong alam sa pinagsasabi niyong may jowa ako like wtf ako majojowa? never, unless si Keius yon" sabi ko at napatakip ng bibig "S-sige na kain na muna ako" dagdag na sabi ko

"Of course wala siyang maalala na block out nga eh" rinig kong sabi ni Sophia

"Baka totoo yung sinasabi ni Winslet na wala siyang jowa, yung tomboy na iyon magjojowa tsk babae ata gusto non" rinig kong sabi ni Mio, the rest na pinagusapan nila ay hindi ko na narinig dahil tuluyan na akong nakalayo sa kanila.

Ano ba talagang nangyari kahapon at kagabi wala talaga akong maalala eh, tsaka wala din akong maalala kung uminom ba ako o hindi? Pero hindi ko kaya gawain ang uminom at malasing tsaka mablock out

Nagkibit-balikat ako at nagluto ng itlog pano ba naman kasi walang ulam. Mabilis lang maluto yung itlog kaya kumain na ako. Grabe talaga ngayong araw parang walang laman ang utak ko.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa aking silid at humiga sa aking kama sunday kasi ngayon kaya walang pasok isa pa hindi ako pumupunta sa simbahan dahil baka masunog pa ako

"Hays, yung sasalihan ko pala sa school hindi pa pala ako nakapag practice, what if may talent portion?" tanong ko sa aking sarili, ano nang ipeperform ko? Eh wala akong talent tapos mapapahiya ako?

Umiling nalang ako at dahil sinisipag ako ngayon ay napagpasyahan kong maglaba di bale may washing machine naman tsaka oo may katulong si Sophia dito pero wala din lang naman akong ginagawa at gagawin ngayon. Kinuha ko ang aking tambak na lalabhan at pumunta sa laundry

"Wow si Winslet maglalaba oh!" sabi ni Kiero ng makita ako, inirapan ko nalang siya at linagpasan

Nakarating ako sa laundry at agad ipinasok ang aking mga damit sa washing machine, well dina kailangang banlawan yan bago iwashing kasi di naman masyadong marurumi yung nga damit ko kasi napawisan lang

Yung mga maong ko ihahand wash ko nalang tsk baka kasi mas mapunit pa yung mga pants kong tattered. Tinali ko ang mahaba kong buhok tsaka nagsimulang labhan ang aking mga maong

__

1:00 pm ng matapos akong maglaba ang dami kasi ng linabhan ko, inispin ko muna ang mga ito bago isinampay, nakakapagod!

Pagkatapos kong nagsampay ay pumasok na ulit ako sa bahay, pero pagpasok ko nakita ko sina tita Avi at si Keius na kausap si Sophia habang sila ay pareparehong nakaupo sa sofa, anong ginagawa nila dito? tumingin sila lahat sa gawi ko, shit ang haggard kona tapos ang asim bakit ba kasi bigla bigla nalang silang bibisita dito

"H-hi good morning" akward na bati ko

"It's afternoon ihja" correction ni tita Avi

"Ay afternoon po pala haha sorry, akyat na po muna ako sa taas" sabi ko na ikinatango nila kaya lumayas na ako sa kanilang harapan

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon