Nagising ako dahil sa araw na tumama sa aking mga mata.
Tumingin ako sa paligid at napagtantong ako lang mag-isa rito sa silid.
“Baliw talaga ang lalaking iyon” sabi ko sa aking sarili dahil sa inis.
Naligo ako at bumaba.
Wala si Keius.
Napakaboring na buhay.
Mag iisang taon na akong nakakulong.
Habang nakatulala rito sa sala ay may narinig akong tunog ng heels na papalapit sa kinaroroonan ko.
“Hi Winslet? Napano ang braso?” tanong ni Samantha.
Pagtukoy niya sa pasa ko sa aking braso.
Dahil sa mahigpit na paghawak ni Keius kagabi dito ay nagkapasa na tuloy.
Hindi ko siya pinansin.
Huwag niya sana akong bwinibwisit ngayon at ng baka masira ko ang mukha niya.
Nakakinis.
Lumapit pa lalo sa akin si Samantha.
“Hindi lang yan ang aabutin mo hangga't nandirito ako sa pamamahay na ito” bulong niya.
Tumayo ako at sinampal siya dahilan ng pagtagilid ng kanyang mukha.
“Ouch!” galit na daing niya habang hawak ang kanyang pisngi na namumula.
“Hindi lang yan ang aabutin mo kapag kinalaban mo ako” sabi ko.
“You b*tch!” galit na sigaw niya at sinugod ako.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinampal ko ulit siya.
Napaupo ito sa sahig.
Hindi pa ako nakontento kaya yumuko ako at sinampal ulit siya.
“Ano masarap?” tanong ko.
“Bwisit ka! Makakarating ito kay Keius!” sigaw hi to habang putok ang kanyang labi.
Tumakbo ito paalis sa aking harapan.
Napabuntong hininga ako at bumalik sa aking kinauupuan.
“Ma'am‚ ang galing mo!” sulpot ni Gina sa kung saan.
Lumapit ito sa akin.
“Ang astig ng ginawa mo” sabi pa nito.
“Ang saya mo ha” sabi ko dahil natatawa pa ito.
“Eh kasi ma'am‚ aksidenteng nahawakan ko ang kamay niya kanina tapos bigla niya ako tinulak tinawag pa akong disgusting” complain nito.
“Grabe talaga ang babaeng yan” sabi ko.
“Nako, sinabi mo pa madam” ani niya at nagpaalam dahil may gagawin pa raw siya.
Pumunta ako sa library dito sa bahay ni Keius at dumungaw sa balcony.
“Sana makalaya na mula sa hawalang ito” ani ko.
Habang nagmuni muni ay may natanaw akong tao sa isang puno na kumakaway.
Pamilyar iyon ah.
Si Nubela?
“Nubela?” hindi siguradong tanong ko.
“Winslet!” sigaw nito.
Hala siya nga!
Anong ginagawa niya rito?
Pano siya nakapasok sa villang ito?
Tumalon ito na parang orangutan at lumipat sa isang puno na mas malapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?