"Alam mo katulad ka din ni Keius, isa ka ding bulag, kaya hindi mo makitang gusto kita" sabi nito, tumingin ako sa kanya ng seryoso, seryoso din siyang nakatingin sa akin, maya maya ay muli akong humalakhak
"Haha a.. Ano gusto mo ako haha omg Kiero pinagtritripan mo naman ako eh" sabi ko habang tumatawa pa rin, pinunasan ko ang luha kong lumabas na
"Alam mo meron ka talagang tuleleng sa utak" sabi nito at tumayo, naglakad siya palabas ng kusina habang ako naman ay napaupo na dahil sumakit na ang aking tiyan
"May tuleleng daw ako sa utak, nakakaiyuk"
Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa aking silid, mamaya titignan ko ang aking bag na naiwan sa daan, kung saan ako nagtago kahapon
Pumasok ako sa banyo at naligo, nagtoothbrush na din ako pagkatapos ay nagpalit ako ng damit, nagsuot lang naman ako ng ripped jeans na black, paburito ko kasi ang mga gantong klaseng pantalon, bakit? Kase nakakaastig, nagsuot ako ng hoodie na red, hayst ang dami ko ng kabahan, nakakatamad!
Nagtungo ako kung saan ko nilalagay ang mga sapatos ko ng may maamoy akong parang medyas na nabubulok "ang baho!" sabi ko at tinakpan ang aking ilong, sa gilid ay nakita ko ang sapatos ni Nubela, omg talaga yung babaeng yun "eto ata ang mabahong kanina ko pag naamoy" sabi ko sa aking sarili "teka nga, kung hindi niya ginamit ang sapatos niya? Ano nang ginamit niya?" tanong ko sa aking sarili
Tumingin muli ako sa sapatos niya dahil may napansin ako dito, sa dingding sa taas ng sapatos niya ay may nakita akong sticky note na nakadikit doon. Lumapit ako at kinuha iyon "mabaho na kasi ang aking sapatos, kaya gagamitin ko nalang itong isang sapatos mo, thank you bye" basa ko sa kanyang sulat, bumuntong hininga ako, anong sapatos ang kinuha niya?
Kumuha nalang ako black shoes at iyon nalang ang ginamit, wala kasi yung white shoes na ginagamit ko, iyon ata ang kinuha ni Nubela "hayst galing paris pa naman iyon" sabi ko sa aking sarili pero di bale, madami naman akong sapatos na galing doon
Bago ako lumabas sa aking silid ay nagsuot muna ako ng sumbrero at mask, ayokong may makakita sa mga pasa ko, hindi ko nalang pinansin ang mga nasa living room na nanonood. Lumabas ako ng bahay, at lumakad kailangan ko talagang mahanap ang bag ko dahil sayang ang aking iphone na laman nito, ang mahal kaya nun.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako kung saan naganap ang laban kahapon, andito pa rin ang mga patak ng dugo galing sa mga nakaaway namin kahapon
Binalewala ko ito at nagtungo sa puno na pinagtaguan ko kahapon, tinambol ng kaba ang dibdib ko ng makitang wala ito sa pinaglapagan ko kahapon!
"Wala na, kasangkot na ako sa gulo ng mga gang na iyon laban kay nubela" sabi ko sa aking sarili, tinanggal ko ang aking face mask kasi naiinitan ako, alam ko namang mahirap buksan ang aking iphone dahil may lock ito pero imposibleng hindi nila ito kayang buksan, pwera nalang kapag mga bobo ang mga miyembro ng mga gang na iyon
"Makaalis na nga" sabi ko at akmang lilingon ng may biglang tumapikip sa aking bibig, pumalag ako ngunit napakalakas ang pagkahawak nito sa akin
Maya maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo, tumingin ako sa paligid at blured na ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay
SOMEONE POV
Pinasok ng kung sino ang dalaga sa kanyang sasakyan, inutusan ang isang taong ito na bantayan ang lugar kung saan naganap ang bakbakan kahapon sapagkat alam ng kanyang kinikilalang pinuno na babalik ang dalaga para sa naiwan nitong kagamitan sa gilid ng kalsada
Dinala ng hindi kilalang tao ang dalaga sa mansyon ng kanyang amo at inutusan ang dalawang tagabantay na buhatin ito at ipasok sa silid na sinsabi ng kanyang amo
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomantizmA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?
