Nagising ako na walang kasama sa kama.
“Wala nga pala akong saplot” ani ko.
Surprising kay Keius, hindi niya ako minolest kagabi.
Umaga nanaman.
Ginawa ko na ang aking morning routine tsaka bumaba.
Umay.
Naalala ko si Gina.
“Ginaa” tawag ko sa kanya.
Agad naman niya akong pinuntahan.
“Ma'am gising na po pala kayo‚ ready na po ang breakfast niyo” sabi nito.
“Ah salamat‚ ikaw kumain ka na?” tanong ko.
Umiling siya.
“Mamaya na ako‚ may trabaho pa ako” pagtanggi niya.
“Hindi‚ kain muna tayo para may lakas tayong magtrabaho” sabi ko.
“Ma'am? Anong tayo?” tanong niya.
“Tulungan kita mamaya‚ wala rin naman ako ginagawa eh” sagot ko.
“Nako ma'am—
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil hinila ko ito papuntang kusina.
“Sabay na tayong kumain” ani ko.
“Hayst‚ sige na nga” pagsuko nito.
Sana hindi siya makulitan sa akin baka pa magrquit na lang siya dahil sa akin eh.
Huwag naman.
Ilang weeks ng hindi umuuwi si Keius, paminsan minsan lang din siyang tumatawag dito sa bahay.
Nakatungnanga lang ako rito sa kwarto ng marinig ko ang tawag sa akin ni Gina.
“Ma'am nakauwi na po si sir” humihingal na sabi nito.
Tumakbo nanaman ito papunta dito sa taas.
“Ah sige, tara na sa baba—
“Ma'am may kasama siyang babae” pagputol niya sa sasabihin ko.
Napataas ang aking kilay.
“Sino?” tanong ko.
“Hindi ko po kilala eh pero maganda siya pero mas maganda ka pa rin ma'am” ani nito.
Binola pa ako.
Paniguradong si Samantha yung tinutukoy niya‚ possible kasing nakalabas na iyon sa hospital.
Inaya ko si Gina na bumaba.
Habang pababa kami sa hagdan ay nakita ko sila Keius at Samantha na papunta sa direksyon namin.
Kumaway ako.
“Hi Samantha nakalabas ka na pala” ani ko at lumapit sa kanila.
Nakita ko ang paghawak niya sa braso ni Keius at para bang nagtago ito sa likod ng lalake.
Acting scared si ackla, as if naman ako yung may kasalanan sa kanya.
“I warn you Winslet‚ kakalabas lang niya sa hospital” seryosong sabi ni Keius.
Nagcross arms ako.
“Oh tapos?” maldita kong tanong.
Hindi ako natatakot sa kanya.
“Keius natatakot ako sa kanya” mahinang sabi ni Samantha at umaktong takot talaga.
Tumawa ako.
“Takot ka pala eh bakit ka nandito?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?