***
"'Cause at that time I am mad at you" maikling sabi nito‚ ano? Nagawa niya 'yon kasi galit lang siya? Normal 'yon?
"So kapag ba galit ka kay Phianna gagawin mo din ba yon?"
"no! Of course not! Can you please stop asking!?" inis na sigaw niya‚ galit ba siya‚ kanina lang ayos kami tapos ngayon‚ hindi na.
"Tsk tatahimik na baka mahigh blood kapa diyan ako pa may kasalanan" sabi ko at tumingin sa daan‚ hindi na siya nagsalita at tinuloy ang pagdridrive
Nakarating na kami sa University kaya naman ay lumabas na ako mula sa kotse "Mauna na ako" paalam ko at naglakad palayo sa kanya.
Pagkarating ko sa room nakita ko si Vice pres. kasama ang mga kaibigan habang sabay silang nagtatawanan. Papasok na sana ako sa room ng magsalita ito "Hoy Winslet‚ may practice kayo sa gym" sabi nito tsk practice saan? Sa pageant.
Yung badtrip kana tapos may pangit pang mukha ang sumalubong sayo‚ hayst nakakadepress na
"Bakit hindi nalang ang pangalan mo yung nilista mo sa papel na yon? Siguro dahil mukha mo palang alam mo ng talo na" mahabang sabi ko dito at ngumiti ng nakakainis
"Sinasabi mo bang pangit ako!?" sigaw na tanong nito‚ ngumiti ako ng makita ang inis sa mukha niyang puno ng ibat ibang kulay‚ wow colorful artwork
"'Di ba obvious? O b*bo ka lang talaga?" walang emosyong sabi ko
"Hoy winslet yung top 1 sa klase ang sinasabihan mong bobo ha‚ baka naman ikaw 'yun?" sabat ng isa niyang friend na halata namang plastik
"Top 1 amp. Bulag kaba o tanga lang‚ ah alam ko na tanga-tangahan‚ yung alam mo na nasipsip lang yan sa with honors tapos maangmaangan kapa‚ palibahasa pera lang ang habol kaya kinaibigan" sabi ko dito at inirapan siya‚ tumingin ito sa'kin na parang naguguilty kaya tinaasan ko ito ng kilay
"Totoo ba yon Alece? Kinaibigan mo lang ako para sa pera?" tanong ni ms. Salvador sa kanya
"Hindi no! Nagsisinungaling lang yan" ayos ang galing namang‚ magtago tong si Alece daw‚ siguro sanay na yan sa pakikipag plastikan
"Ikaw Winslet‚ panira ka lang ng friendship eh‚ palibhasa kasi wala kang kahit sino mang kaibigan" sabi ni Ms. Salvador‚ yung isang kasama nila dito kanina ka walang imik
"Alam mo, mas mabuti pang wala ka nalang kaibigan kaysa naman magkaroon ka ng mga ito tapos puro plastik naman" sabi ko dito "Kung ako sayo bantayan mo ang mayaman mong jowa baka ahasin ng isa diyan" sabi ko at iniwan sila.
Well dahil astig ako mga kasinungalingan lang ang mga inusal ko sa kanila‚ haha hayaan ko nalang ang mga yun na magaway‚ tsk papasok lang ako sa room tapos aawayin nila ako‚ hindi naman pwede 'yon dahil wala akong ginagawa sa kanila‚ Isa pa hindi ako papayag na binubullibully ako.
Umupo ako sa aking arm chair at itinungo ang aking ulo sa arm rest. Bat ba ang tagal ng teacher na 'yon?
"Huy bes alam mo bang isa si Keius sa mga mag jujudge sa pageant sa Mr. And Ms. Intramurals" rinig kong sabi ng aking katabi sa kanyang kaibigan.
What? Magjujudge daw si Keius sa pageant. Omg it's time to shine na ba selp? kala siguro nila wala akong talent
Bumaling ako sa kaklase kong naguusap "Hi Ms. Pres san ba nagprapractice ang mga candidates sa incoming pageant?” tanong ko sa president ng section na ito
Lumingon ito sa akin “Ay Winslet ikaw pala, diba ikaw yung magprepresent sa whole grade 12, I mean diba ikaw yung sasali sa Ms. Intramurals para ipresenta ang whole grade 12?” tanong nito. Tumango nalang ako “Sa gym ang practice mga 3pm" dagdag na sabi nito habang nakatingin ng diretso sa akin
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomantikA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?