Chapter 08 - A day with crush

85 13 0
                                    

***

Pumunta ako sa Kitchen at hinugan ang kamay ko sa lababo. Pagkatapos non kumuha ako ng tubig sa ref at uminom “Hays kakapagod namang magbunot ng damo at the same time nakakatamad din” bulong ko

Napabuntong hininga ako at nagsandok ng kanin. Maya maya babalik nanaman ako sa garden na yon

Umupo ako at nagsimulang kumain‚ maya maya may pumasok at nakita ko don si Phianna “Anong ginagawa mo dito? Tapos kana ba sa pagbubunot?” tanong ko dito pero tinaasan niya lang ako ng kilay

“Of course” sabi niya at binuksan yung faucet edi wewz. Binuksan na niya ang ref at kumuha ng mineral water bago naglakad palabas

Maya maya pumasok si Kiero‚ ano naman ang ginagawa nito? Tapos na ba siyang linisin ang fountain?

“Oh what are you looking at?” tanong nito habang papunta kung saan ang ref. Kumha din siya ng tubig

“Wala” maikling sabi ko at sinubo ang isang kutsarang puno ng kanin “Btw asan si Mio?” tanong ko dito

“What? pwede ba nguyain mo muna yang kinakain mo bago ka magsalita” sabi niya kaya tumango nalang ako

Maya maya nagsalita na ako “San si Mio?” tanong ko

“Andon sa bahay niya” sagot niya‚ ha may bahay pala si Mio‚ kailan pa siya nagkaroon non‚ weeh imposible wala ata 'yong bahay eh

“Wala naman bahay si Mio ah” sabi ko na ikinatawa niya‚ 'di talaga ako naniniwalang may bahay 'yon

“Meron di mo lang alam” natatawang sabi niya‚ napaisip nalang ako siguro nababaliw na t'o‚ bakit ba kasi to tawa ng tawa e wala namang nakakatawa

“Kung meron saan naman?” taas kilay kong tanong

“Sa swimming pool” sabi niya at tumawa pa‚ gsgo haha‚ tumawa din ako

Lt‚ kasi naman si Mio palagi nalang nasa pool‚ hindi kaya puno na ng tubig yung tainga niya haha

“Tinatawa tawa niyo dyan” sabi ni Mio na kakarating‚ basa nanaman ang buhok nito‚ kaya nag katinginan kami ni Kierro at humalakhak.

“Shokoy” sabi ni Kierro kaya mas lalo pa ako napahalakhak ganon din si Kierro

“Mga baliw” sabi ni Mio at lumabas‚ pano ba naman kasi halos araw araw ng nakababad si Mio sa swimming pool‚ isa pa hindi niya ata kayang mabuhay kung hindi siya makalangoy haha. May lahi ata talagang siyang shokoy

Maya maya ay nagpaalam na sa'kin si Kierro na babalik daw siya sa garden kaya tumango nalang ako bilang sagot

Pagkatapos kong kumain‚ iniligpit ko na ang pinagkainan ko at lumabas ng bahay para tulungan sina Kierro na ayusin yung garden. Naabutan ko si Kierro na pinipinturahan ng white ang fountain. Si Mio naman ay tinutulungan si Phianna na tanggalin ang mga masasamang damo‚ oo hanggang ngayon hindi pa tapos si Phianna sa pagbubunot.

“This is so tiring” rinig kong komplain ni Piranha “Kailangan ba talagang mano mano 'to? Wala ba tayong grass cutter?” dagdag pa na sabi niya‚ napaka-arte talaga ng babaeng yan‚ siguro ngayon lang siya makahawak ng soil charot 'di naman niya nahawakan ang putik dahil naka nga gloves ito

“Ate your so fussy‚ grass cutter? Seriously? Eh tataniman nga natin 'to” sabi ni Mio habang patuloy parin sa pagtanggal ng mga damo

“Eh yung spray kaya para mamatay yung mga damo” sabi ni Piranha ang arte talaga tsk hagisan ko to ng uod eh

“Manahimik ka nalang kaya dyan at magbunot‚ tignan mo nga oh kanina pa'ko tapos‚ tapos ikaw hindi pa kumalahate” sabi ko dito

“Tsk palibhasa kasi isa ka sa mga hamog” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon