***
Maya maya ay may narinig akong yapak ng mga tao, linagpasan nila kami, akmang sisilip ako ng may marinig nanaman ako ng yapak ng isang tao papalapit sa kinakaroonan, tinambol ng kaba ang dibdib ko dahil parang makikita na niya kami
Ilang segundo ang lumipas at nakarinig akong ng pagsipol ng isang tao, napagtanto ko na umiihi ito sa kabilang parte ng punong ito
"Hoy bilisan mo diyan baka hindi pa natin iyon, mahabol lagot tayo kay boss" sabi ng isang lalake
"Eto na eto na" sabi ng umiihi na lalaki at pagkatapos non ay nakarinig ako ng yapak papaalis, bumuntong hininga ako
"Ang tanga nila noh?" Rinig kong bulong ni Nubela at parang tumatawa pa
"Sinabi mo pa" sabi ko at pinakaramdaman ang paligid ng mapansin kong wala kahit anong ingay kaya sibabihan kona si Nubela
"Tara na Nubela" sabi ko
"Saan naman tayo dadaan?" Tanong nito habang nakapikit na nakasandal sa ugat ng punong kahoy na ito
"Sa bahay ni Sophia"
"Alam mo ba kung saan ang daan papunta doon?" Tanong niya
"Oo naman, tara na bilisan mo kung ayaw mong iwan kita dito" sabi ko sa kanya at hinila siya patayo "Akbayan mo ulit ako kung hindi mo pa kayang maglakad magisa" sabi ko, umakbay siya sa akin kaya naglakad na kami pauwi
"Etong daan ba na 'to ay papunta sa likod ng mansyon namin?" Tanong ko sa aking sarili, hindi ko kasi alam kung saan ang daan dito papunta sa bahay, nasa loob parin kasi kami ng kakhuyan atsaka first time ko pang makapunta dito noh, tsaka isa pa hindi ko alam ang daan palabas "Nubela alam mo ba ang daan papalabas ng kakahuyan?" Tanong ko sa nakaakbay na si Nobela
"Oo, doon, 'wag kang tanga" sabi niya at itinuro ang isang direksyon, luh hindi ako tanga noh
"Tsk, bat mo alam?" Tanong ko
"Sasabihin ko sayo mamaya, tinatamad pa ako eh" sabi niya, hindi nalang ako nagsalita at pumunta sa direksyon na itinuro ni Nubela, tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa 'di kalayuan ay may natanaw akong ilaw, iyon na ata ang kalsada
"Sa kalsada ba tayo dadaan?" tanong ni Nubela
"Oo-
"Kung ganon, 'wag muna tayong lumabas ng kakahuyan na ito hanggat hindi natin naririnig ang papaalis na sasakyan dahil siguradong may nagbabantay paglabas natin dyan, kilala ko ang mga iyon dahil, utusan ko dati" sabi ni Nubela, hay nako p*tangina talaga oh!
"Eh saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya
"Magtatago"
"Eh kailan naman tayo aalis sa p*tanginang malamok na gubat na ito?" tanong ko ulit
"Mamayang gabi kapag nakaalis na sila, doon muna tayo, magpapahinga lang tapos kapag dumilim na tsaka tayo lalabas" sabi niya, pumunta ako sa tabi ng puno na itinuro niya tsaka isinandal siya bago ako sumandal ulit "Magpahinga ka muna, 'wag kang nagaalala 'di naman tayo makikita dito sa taas ba naman ng mga damo na ito" sabi niya
"Oo nga sa taas ba naman ng mga damo na 'to imposibleng walang ahas" sabi ko na nagpatawa sa kanya
"Edi upakan mo" natatawang sagot niya, natawa din ako ng bahagyan dahil sa kanyang sinabi "Maiba tayo, ang galing mong kumarate ah, biruin mo napatumba mo silang lahat" sabi niya pa
"Anong napatumba lahat, kung hindi ka lang dumating siguro wala na akong malay ngayon" sagot ko sa kanya habang nakasandal ang aking ulo sa puno tsaka nakapikit
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?
