SOMEONE POV
Nang malaman ko ang balit balita rito sa aming baryo ay agad ko namang pinuntahan ang pinangyarihan ng aksidente.
Pagkarating doon ay agad kong hinahanap ang kaibigan kong nagligtas sa akin noon‚ kung hindi dahil sa kanya marahil ay wala na ako ngayon.
I’m not returning the favor for saving her‚ i am doing this because i see her as my friend.
Winslet is really a nice‚ kind and loving person but people always misunderstand her.
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong bulto ng tao sa gilid ng dagat, nakahandusay ito at tila ba ay walang walang malay.
“Winslet” mahinang usal ko.
Sa mga oras na ito at tiyak na hinahanap na ito ng mga pulis at ng kanyang g*gong kasintahan.
Pinuntahan ko ito at hinawakan ang kanyang pulso. Umaliwalas ang aking mga mata ng mapaconfirm na siya ay humihinga pa kaya agad ko siyang binuhat papunta sa aking maliit na kubo.
Ang lugar na ito ay napapaligiran ng malalaking bato at puno kaya rito ako naninirahan sa ilang buwan sapagkat konti lang nag may alam sa lugar na ito at paniguradong hindi ito matutunton ng mga kalaban ko o kahit pa ang mga pulis.
Ni hindi alam ng mga tao rito sa baryo na may naninirahan dito sa likod ng matataas na puno at bato, ngunit alam ko kung gaano gaano makapangyarihan ang mga Stanillan kaya kung mahahanap man nila ang lugar na ito ay sisiguraduhin kong nakalipat na kami ni Winslet.
Ihiniga ko siya sa aking maliit na kama para gamutin ng kanyang mga galos, pasa at sugat.
Napansin ko na nangayayat ito at napasinghap‚ hinawakan ko ang kanyang palad.
“Bakit ka humantong sa ganito? Akala ko ba malakas ka at hindi hahayaang saktan ka ng iba?” tanong ko sa kawalan.
Sa ilang buwan ay akala ko ayos na ayos lang kanya buhay niya pero nung marinig ko ang balita ay lubos akong nag-alala at hindi ko inaasahang magiging ganto ang kanyang kahihinatnan.
Napabuntong hininga ako at isinuot ang kulay pula kong wig‚ nagsuot din ako ng hoodie jacket‚ face mask at sumbrero.
Tinungo ko ang maliit na pinto ng aking kubo. Napagdesisyunan kong mamalengke para pagising ni Winslet ay hindi niya makita na ako ang pinaka pulubi dito sa baryong ito, syempre ako na ito eh tamad ako at wala akong trabaho tsyaka hinahanap ako ng mga ul*l na maasim na gangster, kapag maghahanap ako ng trabaho eh paniguradong matutunton nila ako noh. Sa totoo lang ay puro nalang isda ang kinakain ko rito eh.
Ang pinagkukunan ko naman ng pera ngayon ay ng pagbebenta ng kung ano ano na mahahanap ko rito sa kagubatan at sa dagat tulad ng mga bulaklak‚ isda‚ gulay at iba pa.
“Umay” bumagsak ang aking balikat ng makitang ang dami nanamang tao rito sa palengke. Ayoko talaga sa mataong lugar eh‚ katulad ni Winslet‚ of course introvert kami and we hate crowded place‚ madami kayang maaasim.
Bumili nalang ako ng gulay‚ prutas at karne bago lisanin ang lugar.
Pagbalik ko ay naluto ako “sana magising kana” mahinang usal ko.
Kinabukasan maaga akong nagising katulad ng nakasanayan ko rito sa baryo‚ mangunguha pa ako ng panggatong at gulay sa kung saan-saang parte nitong bundok.
WINSLET POV
Nagising ako ng masakit ang aking ulo “Aray‚ parang inuntog ako ng sampung beses ah” dumadaing na ani ko.
Inilibot ko ang aking mata at napagtantong wala ako sa kulungan! Nasaan ako? Ano itong kinaroroonan ko? Bahay ba ito? Napailing ako at tumayo ng biglang bumukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?
