Chapter 21

44 4 0
                                    

***

Sa mga nakaraang araw ay napapansin kong nagiging sweet at cinge sa akin si Keius.

Napangiti ako, mahal niya kaya talaga ako? I can't believe this, pangarap ko lang ito dati eh.

Asawa ko na rin siya ngayon at gagawin ko ang lahat para mag-stay siya sa akin. Para maging matatag lalo ang relasyon namin. Hinding hindi kona ito pakakawalan pa.

"Good Morning, husband." bati ko sa kanya, naka topless ito. Pajama naman ang suot pangibaba.

Napangiti ako dahil ang hot niyang tignan.

Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng aming umagahan kaya binalik ko nalang ang atensyon ko sa aking niluluto. Ayoko na ulit matunganga dahil sa abs niya.

Hindi ako sanay magluto pero gusto kong matuto para sa kanya.

Naramdaman ko pagyakap nito sa akin patalikod. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg at hinalikan.

"Good morning wife. Ano iyang niluluto mo?"

"Ginataang adobo."

Kumunot ang kanyang noo "what? May ganon?"

Tumawa ako "joke lang, adobong manok po husband."

Tumango-tango ito "hmm, It smells good. I bet someone is getting better in cooking huh."

"Syempre naman!" proud kong sabi, pero sa totoo lang ay nanonood ako ng tutorial sa youtube kung paano ang luto ng pinaka masarap na adobo.

Ngumiti ito.

"I love you wife."

"Yiie, sana all po."

Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay. "Sana all?"

"Wala, i love you too husband." yumuko ito at dahan-dahan pinalapit ang aming mga labi.

I kiss him back.

"Uhm, t-teka lang masusunog ang niluto ko."

Tumawa siya ng mahina.

Bambira naman talaga oh kasi kahit ang tawa niya ay pogi rin. Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit.

"Yes, luto na. Dun kana sa dinning don husband pero hintayin mo ako, eto na kasi ang last dish na niluto ko naka prepared na doon yung iba, titimpla lang ako ng juice."

Ngumingiti ito "I love how you effort wife." nilagay niya ang niluto kong adobo sa isang bowl.

"Syempre naman ayoko namang gutumin ka at ng baka iwan mo ako."

"Malabong mangyari." nauna na ito sa dinning area habang hawak hawak ang bowl.

Kinuha ko ang pitcher sa ref at nilagyan ng powder juice na apple flavor.

Ng makarating ako sa dinning ay muntikan ng umusok ang butas ng aking long. Pano ba naman ay nilalatkan na niya ang pagkain.

"Ni hindi manlang ako hinintay!"

"Sorry, nakaka-akit kasi ang amoy ng mga niluto mo wife."

Sinalinan ko ng juice ang kanyang baso. "Sus, sige kumain na lang tayo."

"Thanks."

Ng matapos kaming kumain ay tinulungan niya ako sa pagliligpit.

Pumasok na siya ngayon sa kanyang trabaho ako naman ay maggrocery mamaya. Hayst feel na feel ko tuloy ang pagiging asawa.

Naglinis ako sa kusina at nag ayos para makapag grocery na ako.

Akmang lalabas ako ng bahay ng bumukas ito at iniluwa si tita Avi na seryoso ang mukha.

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon