“Hindi ko siya tinulak” sabi ko.
Binuhat ni Keius si Samantha.
“Magdasal kang walang masamang nangyari sa kanya or else you'll see” sabi nito at umalis.
Bumaba ako at naghintay ng balita tungkol kay Samantha.
10:00 o'clock ng gabi ng bumalik dito si Keius.
“Winslet!” sigaw nito.
Lumabas ako ng kwarto para harapin siya.
Bumungad sa akin ang walang emosyon nitong mukha.
Nakita ko ang dalawang doctor sa likuran niya.
“Get her” utos nito.
Akmang hahawakan nila ako pero pumalag ako.
“Anong gagawin niyo?” tanong ko.
“Kailangan ni Sam ng dugo” sagot ni Keius.
“Oh tapos?”
“Your blood type is the same as her‚ ikaw ang may gawa non sa kanya‚ you should take responsibility for your mistakes” sabi ni Keius.
“Hindi ko nga siya tinulak—
“Enough Winslet! Sinong t*nga ang gagawin iyon sa sarili niya!?” sigaw niya.
“Edi si Samantha! Bakit kasi hindi niyo icheck ang surveillance!?” sigaw na tanong ko.
“It's all broken!” sagot ni Keius.
Natahimik ako.
What a coincidence na same blood type kami ni Samantha.
“Take her” utos ni Keius.
Pumalag ako pero nagtawag pa ito ng gwardya para hawakan ako.
Malalakas sila kaysa sa akin kaya sumuko nalang ako.
“Wag‚ wala akong kasalanan!” sigaw ko bago ko maramdaman ang karayom sa balat ko.
Then everything went black.
Nagising ako na hinang hina ang aking katawan.
Tumingin ako sa paligid.
Puro puti.
Nasa hospital ako.
Babangon na sana ako ng makaramdam ako ng hilo kaya umupo muna ako hanggang sa maging maayos na ang aking paningin.
“You're awake” ani ni Keius na kakarating lang.
Hindi ko siya pinansin.
“I brought some fruits” inilapag niya sa mini table ang mga ito.
“Sa cr lang ako” pagpapaalam ko.
Bwisit talaga.
I hate you Keius Stanillian.
Mas pinapaniwalaan niya pa ang ibang babae kesa sa akin.
“Lagi naman”
Bumuntong hininga ako.
Bumalik ako sa kama.
Nandito pa rin si Keius.
“Here” inabot niya sa akin ang kanyang binalatan na mansanas.
Kinuha ko ito at binato.
“Umalis ka nga rito!” galit na sigaw ko.
“Winslet!” napatayo siya dahil sa inasal ko.
“Umalis kana!” sigaw ko.
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao.
“You're such an ungrateful woman” ani nito at nilisan ang silid.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?