***
Dismissal na kaya lumabas na kami‚ habang naglalakad ako dito sa hall ng school may biglang tumawag sakin
“Winslet” sabi nito kaya lumingon ako para tignan yung tumawag sa akin, si Nubela ito, ano nanaman ba ang kailanga niya?
"Bakit?" Maikling tanong ko habang nakataas ang kilay
“Wala‚ sabay na tayong umuwi” sabi ni niya‚ ano kayang nakain nitong tomboy na 'to
“Ayoko nga‚ close ba tayo?” mataray na tanong ko dito
“Bakit kailangan ba munang magkaclose bago sabay umuwi? Pwede namang hindi eh‚ tara na!” sabi nito at hinila ang damit ko
“G*go teka nga!” sabi ko at hinila ang damit ko mula sa paghawak niya “Di mo na'ko kailangang hilain pa‚ tara na nga” sabi ko at naunang naglakad‚ naramdaman ko namang sumunod ito at sinabayan ako sa paglalakad
“Teka asan yung mga aso mo?” takang tanong ko dito
“Anong aso? Wala akong aso noh tsaka ayoko ng aso” sabi nito napatawa ako ng konti dahil sa kaslowan nito amp*chi ganto ba 'pag gangster? Well hindi bagay
“I mean yung apat na alipores mo ba't hindi mo kasama? Bat wala sila sa likod mo” tanong ko dito
“Ah yun ba? Wala binalik ko na sa mga nanay nila” sabi nito at tumawa ng konti “Tara na aalis na yung sasakyan natin!” sigaw nito at hinila nanaman ako sabay tumakbo kaya napatakbo din ako, feeling close siya!
“Pasok na salot” sabi pa nito sa akin ng makarating kami sa jeep na saktong papaalis na, shocks, tinawag niya akong salot!
“Hoy hindi ako salot no‚ pasok ka na din‚ ano magpapaiwan ka?” tanong ko dito
“Hindi noh‚ ano ako tanga? Pagnaiwan ako wala na akong masasakyan‚ sasabit ako 'wag kang bobo” sabi nito sa'kin‚ luh tinawag pa akong bobo amp.
“Isa ka talagang tomboy!”
Sabi ko at lumabas‚ kung sasabit siya sasabit din ako tsk‚ ako lang 'to yung marunong sumabay sa trip
“Anong ginagawa mo?” tanong nito
“Sinasabayan ka 'wag kang bobo” sagot ko pabalik
Tumawa lang ito
Habang nasa biyahe bigla itong nagsalita “Hoy Winslet diba mayaman ka?” tanong nito na nagpatawa sa'kin ng mahina
“Mayaman mukha mo” sagot ko
“Mayaman ka daw eh‚ pasaheyan mo na ako” sabi nito “Wala kasi akong perang dala” dagdag na sabi nito.
Ah kaya pala nakisabay to sa'kin para bayaran ko yung pamasahe niya ang kapal ng mukha
“Bakit naman kita papasaheyan? Feel close talaga” sabi ko
“Sige naman oh‚ Winslet” pamimilit nito‚ ayoko nga “Ay btw sa San. Antonio pala ako pupunta haha‚ hmm malayo yon kaya bigyan mo nalang ako ng pera‚ para ako na yung magbabayad pagkarating ko don” dagdag na sabi nito
Buti nalang hindi ganto kakapal ang mukha ko
“Ano naman ang gagawin mo sa San. Antonio ha? ang layo non ah diba limang oras kapa magbibiyahe bago makarating doon tsaka may pasok pa tayo bukas” sabi ko
“Aala kang pake‚ bigyan mo nalang ako ng pera”
P*tngina ayan napamura na tuloy ako‚ like wtf?? “Ayoko nga‚ nanay mo ba ako? Kapal din ng mukha mo eh noh” sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?