Chapter 15

88 11 0
                                    

* * *

Andito ako ngayon sa pampang, nakaupo sa isang malaking bato habang pinapagmasdan ang malakas na paghampas ng alon sa karagatan. Tirik na ang araw ngayon at si Keius naman ay andon sa hotel nagpapahinga ganun din sina tito at si Kiero, whole night kasi yung byahe

Si phianna naman ay nasa dagat kasama si Mio na nageenjoy sa paglangoy, nakakatakot pumunta sa kinaroroonan nila medyo malayo kasi sila sa pampang, tsaka alam kong malalim doon di pa naman ako marunong lumangoy, hayst masprefer ko talaga ang magswimming sa pool kaysa ganto

"Huy, Winslet tulaley ka" tawag pansin sa akin ni Phianna na nakaahon na pala at nasa tabi ko na "tara sa dagat" aya niya kaso umiling ako

"Ayoko, di ako marunong lumangoy tsaka wala akong balak maligo doon" sagot ko sa kanya

"B*bo mo kasi" sabi niya kaya inirapan ko siya, makapagsabi ng b*bo wagas

"Umalis kana nga, gingulo mo ako eh" pagtataboy ko sa kanya, inirapan niya ako bago umalis sa harapan ko, ng maumay na ako dito sa aking kinauupuan ng napagdesisyonan kong pumunta sa cottage kung saan nadoon sina tita Avi at Sophia

Umupo ako sabay kuha ng mangga "oh winslet bakit hindi ka ba lalangoy kasama sina Phianna at Mio?" Tanong sa akin ni tita Avi, umiling naman ako bilang sagot

"Alam mo kasi sis, hindi niyan kayang lumangoy" sabi ni Sophia, nakakainis talaga ang babaeng 'to tsk, kaya nga umiling lang ako kanina kasi ayokong ipaalam sa kanila na hindi ko alam lumangoy kasi nakakahiya, for sure kasi lahat ng kasama ko dito ay alam lumangoy

"Ahh is that so" sabi ni tita Avi "hmm ihja gusto mo bang magpaturong lumangoy?" Tanong niya sa akin

"Opo sana" sagot ko naman, sino ba naman ayaw matututong lumangoy? "Ikaw po ba ang magtuturo sa akin tita?" Dagdag na tanong ko

"Nah, si Keius I will ask him about that later" sabi niya, wtf? Si Keius? Ayoko nga may pagkamanyak kaya yun, baka ano pa ang gawin nun sa katawan ko habang nasa tubig kami, bakit nalang hindi si tita ang magtuturo sa akin?

"Ikaw nalang po kaya tita ang magturo sa akin" sagot ko sa kanya na tinawanan niya

"Alam mo kasi ihja, hindi rin ako marunong lumangoy" sagot niya, tumingin ako sa kanya na parang hindi inaasahan ang kanyang sasabihin like ano hindi din siya marunong lumangoy??

"Weeh dinga po, seryoso?" Tanong ko

"Oo totoo yun Winslet" sabat ni Sophia, omg akala ko talaga alam ni titang lumangoy? Haha mali pala ako kanina, hindi lang pala ako ang nagiisang hindi alam lumangoy dito

"Ate Avi may kutsilyo diyan?" Lumingon kami sa babaeng biglang nagtanong, ano nga ulit ang pangalan niya? Basta w ang first letter ng name niya, ayts nakakinis na utak ito makakalimutin! Isa pa sumama pala siya sa trip na 'to akala ko hindi

"Meron, what are you going to do with the knife Wainty?" Tanong sa kanya ni tita Avi, oo nga pala Wainty ang kanyang pangalan

"Hi Wainty" bati sa kanya ni Sophia ngunit pumasok lang siya dito sa cottage at kinuha ang kutsilyo

"pang hiwa po sa lulutuin kong tilapya" sagot niya kay tita Avi at lumabas, luh grabe ni hindi manlang kami tinapunan ng tingin ni Sophia, si tita Avi lang ang kinausap hindi manlang nag hi sa amin tsk pero haha sino ba naman kasi kami para bigyan ng pansin? tsaka si Sophia hindi niya pinansin haha

"Luh hindi niya ako pinansin, isipin mo stepsister natin siya pero never pa niya ako kinausap maliban lang sayo Avi ha, ano ba ang problema nun sa akin?" sabi ni Sophia na tinawanan ni tita Avi

"Maybe hindi lang siya comfortable sayo tsaka ano ba kasing ginawa mo at hanggang ngayon ay cold pa din siya sayo?" Tanong sa kanya ni tita Avi

"Wala naman ah" sabi ni Sophia at nahkibit balikat "hayaan mona nga yun, kung ayaw niya sa akin edi don't" dagdag na sabi ni Sophia

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon