Chapter 19

39 4 0
                                    

***

Nakatingala lang sa kisame dito sa aking kwarto, miss kona agad siya.

"Winsleeett!!" sigaw sa akin ng kung sino sa labas ng kwarto ko.

Ano ba iyon?

"Bakiiitt!?" sigaw ko rin

"Lumabas ka dyan andito si cauz!"

Napabalikwas ako ng bangon, alam kona agad ang tinutukoy nito kaya dali akong lumabas sa aking silid.

Agad akong hinila ni Phianna papunta sa living room.

Ano bang nangyayari?

Ano bang meron?

"Dahan-dahan naman Piranha!" angil ko ng bigla niya akong itulak paupo sa sofa katabi ni Keius.

"Hi baby" bati ni Keius "so how's your day?"

Ngumiti ako, sus baby daw.

Napapansin ko ngayong mga nakaraang araw ay bumabait siya sa 'kin.

Nafafall na kaya siya sa 'kin? Omy naman waahh sana nga para dream come true na ako.

"Ayos lang" pero sa totoo niyan ay miss na miss ko na talaga siya.

Gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako.

Tumango tango ito "okay, tell me what things happened when I'm not around."

"Ehem! Wait muna" si phia. "So Keius. Nagpapaalam ka kay mom na liligawan mo si Winslet, right? pero ayon sa mukha niya ngayon ay hindi siya pumapayag."

Omg! what? liligawan ako ni Keius? At ano naman kaya ang kinain niya para isiping manligaw sakin?

'pempem ko?'

"Manliligaw ka sa 'kin?" lumingon ako kay Keius, nakatingin pala ito sa'kin.

"Yes, why not? You're the most beautiful woman on earth you deserve to be courted."

The f*ck! Kinikilig ang aking kepay!

Teka totoo ba 'to!? Baka panaginip nanaman!

Para makasigurado ay pasimple kong kinurot ang aking tagiliran.

'aray!'

This is really happening, manliligaw sa akin si Keius!

"Andito ako ngayon sa harap niyo para ipaalam maliligawan ako kay Meux—

"But Winslet is our sibling, she's also your cousin!" pagsulpot ni Kierro.

Makikita ko sa kanyang mga mata na hadlang din siya sa balak ni Keius.

"Yes, Winslet is one of my cousin but in paper. Not in blood." sumbat ni Keius.

"No mom! You can't allow him to court Winslet!" umupo si Kierro sa tabi ni Mio na kanina pa walang kibo at tila ba wala itong paki alam.

Napatayo ako "ako ang liligawan guys kaya ako ang masusunod."

"Hayst, Ma isipin mo si Winslet yan Ma. Walang makakapigil sa kanya." sabi ni Phianna

Right.

Tahimik lang si Sophia na naka-upo.

"Hindi pwede!" sigaw ni Kierro

"I'm not here to ask for someones permission, I'm courting Winslet, weather you like it or not and no one can stop me." Tumayo si Keius "Tita Soph, guys we're going."

With that hinawakan niya ang aking pulso at hinila palabas ng bahay.

Ng makalabas kami ay binawi ko sa kanya ang aking kamay dahilan upang mapahinto siya.

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon