Important Note: Some of The Main Character's Actions Are Not to Be Emulated.
Dear readers,I would like to bring your attention to the behavior of the main character in this story. It is crucial to acknowledge that some of their actions and choices may be detrimental and should not be imitated or replicated in any way. I strongly discourage any attempt to emulate their unpleasant behavior.
***
"What papasok ka nang nakaganyan? tignan mo nga oh yung buhok mo ang gulo-gulo! Ni hindi ka man lang naligo nakakadiri ka Winslet‚ baka mapagkamalan kang pulubi!" sigaw nito sa pagmumukha ko.
Aano bang problema niya don papasok ako sa school para mag-aral‚ wala akong pake kung mapagkamalan ako na pulubi or ano pa man‚ ang importante don makagain ako ng knowledge!
Charot, pupunta talaga ako sa school para matulog.
"Ah basta papasok ako ng nakaganto‚ wala kayong pake‚ my life my rules! Ngayon kung ayaw mo akong bigyan ng baon edi don't!" sabi ko at iniwan siya.
"Hay nako Winslet‚ ikaw talaga yung problema ko sumasakit ang ulo ko dahil sa katigasan ng ulo mo!" sigaw nito sa akin.
Haa?
"Kung ayaw mong sumakit ang ulo mo edi huwag mo akong problemahin ganon lang yon kadali‚ ikaw yung gumagawa ng sarili mong problema tapos ako sisihin mo? my gosh Sophia!" sigaw ko din pabalik.
"Hoy Winslet huwag mo ngang sinisigaw sigawan si Mommy" sabi ni Phia "Kahit kailan talaga wala kang respeto" dagdag niyang sabi.
"Ikaw din naman ah‚ sinisigawan si mama kapag wala sa mood‚ kaya pwede ba Phiano manahimik ka nalang" sabi ko natahimik naman siya.
Sinabihan pa akong walang respeto eh siya lang din naman kapal ng mukha‚ kasing kapal ng make up niya.
"Good morning Kiero papasok ka na ba?" tanong ko ng makita ko ito sa parking lot‚ para makisabay na din‚ sayang pamasahe ko eh.
"Huwag ka sa akin sumabay‚ hindi ako sa school pupunta" sabi nito.
Siguro didiretso nanaman ito sa club‚ may pagkaplay boy kasi itong g*gong to eh.
"Hatid mo nalang ako" sabi ko sabay ngiti ng matamis na matamis‚ tumingin naman ito sa akin at ngumisi.
"Get in"
"Yehey‚ yiee sige tatawagin nalang kitang kuya" sabi ko at nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse.
"Huwag mo akong tatawaging kuya hindi tayo magkadugo" sabi nito at pinaandar yung sasakyan‚ edi wew‚ hindi talaga ako tanggap bilang step sister oh.
Habang nasa biyahe hindi ko mapigilang tumingin sa bandage nito sa ilong‚ mapapatanong lang talaga ako kung anong nangyari don.
Tsk paniguradong nakipag basag ulo nanaman ito.
"Napaaway ka?" tanong ko.
"Obvious ba?" tanong nito pabalik habang naka focus parin sa daan.
"Bakit? Ano nanamn bang katarantaduhan ang ginawa mo?" Taas kilay kong tanong.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
Roman d'amourA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?