Chapter 20

161 4 0
                                        

***

"Pinakasalan ka ni couz without us knowing!?" bulyaw ni Kierro, hindi pa rin ito makapaniwala.

"Oo nga, umupo ka nga muna Kierro!" bulyaw ni Phia sa kanya.

Napailing-iling si Mio "So weird. Everything is weird." ani niya.

"Sinabi mo pa." sagot ni Phia.

"Maa. . . wala ka bang gagawin?" baling ni Kierro kay mommy Soph.

"Wala na akong magagawa kung  'yan ang gusto ng kapatid mo."

Bumuntong hininga si Kierro.

At iniwan kami.

"Let me see the ring Winslet." Kinuha sa akin ni Phia ang kamay ko "wow, a diamond ring. I bet this cost millions."

"Weh, hindi nga?"

Tinampal niya ako pero mahina lang "wala ka talagang alam sa mga luxury, dumb b*tch."

Hindi ko nalang ito pinansin, ayoko munang makipag bangayan sa bruhang ito.

"Mom, pwede ba akong lumipat sa bahay ni Keius?"

"Mapipigilan ba kita?" tanong nito pabalik.

"Shoo, lumayas kana!" pagtataboy sa akin ni Phia. "Kunin mo ang lahat ng gamit mo at umalis kana sa bahay na ito, ayaw na namin ng palamunin na matigas ang ulo!"

"Wow, Ma oh pinapalayas ako." pagsumbong ko.

Tumawa ito "Nako, masanay kana sa kapatid mo ganyan talaga yan pero paniguradong mamimiss ka niyan."

"Yak!? The fudge mom! Yang dugyot na yan mamimiss ko!? Hell no!"

Nagtawanan kami ni mommy.

"Sus, kunyare pa eh totoo naman talaga yung sinabi ni mom eh!" mapang-asar na asik ko.

"D*mn you, Winslet."

"Sis, If you ever wanted to live with couz or not. Ang maipapayo ko lang ay sundin mo ang tibok ng puso mo." ani ni Mio, tumayo ito. Nagpasalamat naman ako bago ito mag-walk out.

"Ma naiinggit ako. Si Winslet at the age of 18 may asawa na oh. Tapos eto ako ngayon at the age of 23 nagsa-suffer sa internet love plus work!" complain ni Phia.

"Kung gusto mo gumaya ka kay Winslet. Maging t*nga sa iisang tao, maghabol ka na rin na parang aso plus dapat once a week kana rin naliligo."

Nagtawanan kaming tatlo.

"I can't do that. Nako mom, kung kaya ko lang." natatawang sagot ni Phia.

"Ginawa niyo na akong happy pill ngayon."

"Pano mo kasi nakakayang maligo isang beses sa isang linggo?" hindi makapaniwalang tanong ni Phia

"Secret."

"I want to know your decision about living together with Keius, my dear." asik ni mom.

"I think husband and wife should live together."

Napabuntong hininga siya.

"Matulog nalang tayo, by the way congrats sis! goodnight mom!" papalabas na ito.

"Thank you!"

"Goodnight dear."

"Mom, what do you think about my decision?" tanong ko kay mom ng maiwan kami ditong dalawa.

"You're freaking inlove. And just like Mio I wanted you to follow your heart. If you're hurt i also wanted you to know that whatever happened we're always by your side, we are always here baby." She kissed my forehead.

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon