***
Nagising ako mula sa pagkatulala ng marinig ko ang pagtsk niya‚ tumalikod na pala ito at naglakad patungo sa kanyang upuan “Bbakit mo ginawa yon?” di makapaniwalang tanong ko “Alam mo bang.. alam mo bang first kiss ko yon!?” sigaw ko na nagpangiti sa kanya
“That's great, napunta ang first kiss mo sa pinaka poging nilalang” sabi nito
“Akin na yung papel na pinunta ko dito” pagiiba ko ng topic‚ binuksan niya ang maliit na drawer at may kinuhang maliit na papel doon
“Here‚ come and get it” sabi niya at inabot sa'kin yung papel pumunta naman ako sa kanya at kinuha ito
"Byee” sabi ko at lumabas sa office nya matapos pirmahan yung admission slip
Habang naglalakad patungo sa room ay hindi ko mapigilang hawakan ang aking labi ng maalala yung scenario na nangyari kanina hanggang ngayon damangdama ko parin ang labi ni Keius sa labi ko‚ hindi talaga ako makapaniwala na ginawa niya 'yon‚ diba sabi niya cousins daw kami pero bakit niya ako hinalikan?
“Eto na po sir” sabi ko kay sir Throne at inabot ang papel na kinuha ko sa office
“You may go now to your proper sit” ani niya
“Siguro sinasadyan niya lang magpalate para makapunta sa dean office para makita si Keius ko” rinig kong bulong ng isa kong kakalase‚ amp*ta si Dora ang landi talaga pati si Keius ko inaagaw
“Anong Keius mo‚ lahat nalang sayo‚ una si Hiro yung campus crush pangalawa si Jade yung pinaka gwapo sa section A ikatlo si Sean yung pinaka gwapo sa section natin Ikaapat si Sir Throne yung Math teacher natin tapos ngayon si Keius naman!? Ang landi mo talaga Aizee! Sige sayo na lahat ng lalake sa buong mundo‚ isaksak mo sa baga mo” sabi ng katabi niya‚ hindi ito yung nakaaway niya kahapon dahil balita ko lumipat na 'yon ng school matapos masuspend
“Oo akin na talaga lahat” sabi nito
Lahat? that means pati si Keius? hindi ako papayag!
“Hoy Dora the second?” tawag ko kay Dora habang nakatingin sa kanya kahit nakatalikod ito mula sakin “Dora?” tanong ko ulit mukhang hindi narinig dahil hindi niya ako linilingon‚ nakakainis
“Aizeeng? Dora? Malande kaba?” tanong ko na nagpalingon sa kanya
“Problema mo?” mataray na sabi nito habang nakataas ang kilay
“Sala‚ gusto ko lang ipaalam na akin lang si Keius naiintindihan mo?” tanong ko na nagpatawa sa kanya
“Hahaha guys oh sa kanya daw si dean” sabi nito at tumawa pa na hindi man lang inalintana na nagtuturo pa si sir
“Ms. Shiwatsu are you listenning!?” tanong sa kanya ni sir Throne
“Yes po sir” sabi ni Dora
“Yes? Sige sagotin mo 'to” sabi ni sir throne.
Only legend can answer lang ang makakasagot pano ba naman kasi ang hirap talaga mapapanganga nalang talaga ako‚ buti hindi ako nagingay noh kung hindi mapapahiya ako sa harap
Tinawag na ni sir si Dora para sagutin 'yon kaya pumunta na ito “S-sir pano po to?” medyo nanginginig na tanong nito
“Ayan kasi puro kalandian lang ang alam” sabi ng isang kaklase namin
“Get out‚ tumayo ka sa labas hanggang matapos ang subject ko” sabi ni throne kaya lumabas na si Aizee
“Okay let's continue are lesson as I said blablablah” sabi nito ayan nanaman inaantok na ako wala naman kasi akong naiintindihan
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
DragosteA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?