Chapter 38

76 1 0
                                    

Pumunta ako sa balcony dito sa third floor.

Nakadungaw lang ako rito.

“Paano ko malalaman ang katotohanan kung nakakulong lang ako rito?” tanong ko sa aking sarili.

Napabuntong hininga ako.

Wala ka talagang kwenta Winslet.

Habang nakatunganga ay napaigtad ako dahil sa gulat ng may making akong malakas na pagsabog mula sa gilid ng mansion.

“Winslet!”

Napatingin ako sa boses kung saan nanggaling iyon.

Si Nubela!

Kumakaway ito na tila ba walang pake sa nangyari.

Gumuhit ang linya sa aking noo dahil sa hindi ko alam ang mga nangyayari.

Maya Maya pa ay nakarinig ako ng iilang putok ng baril.

“Winslet!”

Bumukas ang pinto rito sa silid at inuluwa roon si Keius na hinihingal.

“Anong nangyayari?” tanong ko sa kanya.

“I'll explain it to you later” sabi nito at hinawakan ang aking kamay tsaka kinaladkad.

“Teka‚ san mo ako dadalhin!?” taranta kong tanong.

Pagdating namin sa hall ng third floor ay doon ko napansin n nagkakagulo ang lahat.

“Boss pinapaligiran tayo!” sigaw ng isang tauhan ni Keius.

Seryoso lang ang mukha ni Keius at tila ba ay nakachill lang sa nangyayaring putukan ng baril sa labas.

“Boss handa na sa paglipad ang chopper” ani ng tauhan niya na kakalapit lang sa amin.

“Good” ani ni Keius habang tuloy pa din ang pagkaladkad niya sa akin papunta sa last floor nitong mansion.

“Ano ito Keius? Tatakas ka kasama ako!?” sigaw ko sa kanya.

“Shut up‚ just follow me” ani niya.

“Bitawan mo ako! Ayokong sumama sayo!” sigaw ko at pumalag.

“Hold her and follow me” utos niya sa kanyang dalawang tauhan na agad namang hinawakan ng mahigpit ang magkabila kong braso.

“Bitawan niyo ako!” sigaw ko habang pilit na kumawala sa kanila.

Mabibilis ang pagkaladkad nila sa aking hangang sa narinig ko ang boses ni Nubela sa aking likuran.

“Winslet sipain mo!” sigaw nito.

Bigla akong nabuhayan dahil sa boses na iyon at agad sinipa ang balls ng isang tauhan ni Keius dahilan upang mabitawan niya ang aking braso.

Nilabanan ko rin ang isang may hawak sa akin hanggang makawala ako tsaka tumakbo papalapit kay Nubela.

“Idiots!” rinig kong sigaw ni Keius.

“Bilisan mo Winslet!” sigaw ni Nubela.

Patakbo akong pumunta sa kanya.

“Tara naghihintay sa atin ang kotse ni Sir throne sa labas” ani ni Nubela.

“Ha? andito siya?” tanong ko dahil sa gulat.

“Oo, mamaya ko na sabihin sayo ang mga ganap” ani niya.

Chill lang din si Nubela tila walang pake sa barilan ng mga pulis at tauhan ni Keius dito sa loob at labas ng bahay.

“Winslet!” rinig kong sigaw ni Keius.

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon