“Liah?” gulong gulo na tanong ko sa kawala “pero ang sabi nila ay patay na si Liah?!”
Tinungo ko ang building na iyon at sinundan si Liah ngunit mabilis ang mga hakbang nito, hanggang sa bigla nalang itong nawala.
“Hindi kaya nagpaparamdam sa akin ang kaluluwa ni Liah?” naguguluhang tanong ko sa sarili.
Dahil hindi kona nakita si Liah ay umuwi nalang ako.
Pagkarating ko sa kubo ni Nubela ay kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari.
“Seryoso ka ba sa nakita mo?” Paulit-ulit nitong tanong na itinatago ko nalang, ulit ulit si anteh eh.
“Pero patay na siya diba? Impossibleng buhay pa 'yon, nakita ko mismo ang bangkay niya” dagdag nitong sabi.
“Hindi ko rin alam pero sigurado ako sa nakita ko” sabi ko na ikina buntong-hininga niya.
“Oo na, pero anong ginagawa niya sa gusaling iyon? Mental Hospital iyon diba?” tanong ulit niya na ikinatango ko.
“Iyon nga din ang tanong ko kung anong ginagawa niya sa lugar na iyon” sagot ko sa kanya.
“Pero imposible talagang si Liah yon baka magkamukha lang, patay na si Liah Winslet!” pasigaw na sabi nito.
“Ewan ko Nubela” sabi ko nalang dahil sumasakit na ang ulo ko dahil nagooverthink ako. Paano kung si Liah nga talaga yon?
“Imposible talaga Winslet eh, nandoon ako sa burol niya at kinumpira ko rin na si Liah 'yon, grabe pa nga hagulgol ng mga magulang niya noon” sabi nito, napabuntong hininga ako.
“Baka nga kamukha lang ni Liah ang nakita ko kanina” sabi ko nalang at nahiga.
“Kumain muna tayo” aya ni Nubela pero inaantok na talaga ako dahil sa pagod, kapagod kayang habulin ng mga mukhang aso.
“Kain ka lang dyan, iidlip na muna ako” sagot ko dito hindi ko na narinig ang huling sinabi nito.
Halos ilang araw na ako, hindi rin ako makahanap ng trabaho dahil tinatakan nila ang pangalan ko bilang isang wanted.
“Noon i've always want to be wanted by peoples whom i loved the most pero ibang klase namang pagkawanted ito, hinahanap ba naman ako ng lahat ng tao” natawa ako sa aking sarili.
Si Keius pa talaga ang nagbigay ng pabuyang 10 million para sa kung sino man na makahanap sa akin.
Kumaway ako kay Nubela ng makita itong palapit sa akin. Tumatakbo ito at sumisigaw sa kalayuan, hindi ko marinig kung ano ang sinisigaw nito.
“Ano!???” pasigaw kong tanong.
“Si Keius!” malakas na sigaw nito “magtago kaa!” dagdag nitong sigaw.
Nataranta ako dahil sa sinabi nito.
Natunton kami nila Keius!
Naramdaman ko ang paghablot ni Nubela sa kamay ko at hinila patakbo sa kung saan.
“Nubela”
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa may makita akong water falls, malakas ang pag-agos ng tubig pababa sa baybayin.
“Mag-iingat ka, madulas ang daan” paalala sa akin ni Nubela. “May nakatagong kweba dito sa daanan ng tubig, dito muna tayo pansamatalang ha” dagdag na sabi nito.
Sa puntong ito ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib sapagkat dahil sa akin ay nadawit si Nubela sa gulong ito.
Pumasok kami sa loob.
Madilim at malamig.
“Wag kang mag alala walang ahas dito” ani ni Nubela “Mamatay nga lang tayo sa gutom” natatawang dagdag na sabi nito, pati sa ganitong sitwasyon ay nagagawa pa rin nitong magbiro.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
RomanceA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?
