Inilapag ko ang kwintas at agad lumabas sa kwarto ni Samantha bago pa niya ako maabutan dito.
Dumiretso ako sa aking kwarto at napaupo sa aking kama.
“Ano ang koneksyon ni Samantha at Liah?” tanong ko sa aking sarili.
Naguguluhan ako.
Something is really fishy.
“Makatulog na nga”
Naalimpungatan ako nang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas.
“Winslet?” boses ni Keius.
“Gabi na pala” ani ko.
Bumangon ako at pinagbuksan siya ng pinto.
“Ano?” inaantok na tanong ko.
“Mag-ayos ka may pupuntahan tayo” sabi nito at binigay ang hawak niyang paper bag.
Nagliwanag ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.
“So‚ ibig mong sabihin ilalabas mo na ako rito?” masayang tanong ko.
“Tsk”
Umalis ito kaya pumunta ako sa bathroom para maligo.
Sinuot ko ang binigay niyang dress nang may biglang kumatok.
“Ma'am, aayusan ka raw namin utos ni boss” ani ng isang babae.
Pumasok sila at pinaupo ako sa harap ng salamin.
“Huy teka ngaa!” sigaw ko dahil ang daming kamay na nagmamake-up sa akin.
“Kailangan daw po maayusan kayo within 10 minutes, naghihintay po si bossing sa inyo” sagot ng isa.
Hinayaan ko nalang sila.
Maya-maya ay hinila ako ng isang babae papunta sa living room.
Doon ko nakita si Keius na nakaupo sa sofa.
Nang makita niya ako at napatayo ito.
“Let's go” ani niya at naunang naglakad.
Tinulak ako ng babae kaya sinundan ko nalang siya.
Tahimik lang ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa isang mataas na building.
“Where here‚ don't ever dare to think about escaping” ani niya at lumabas sa kotse.
Bumaba na rin ako.
“Kapit”
Napatingin ako kay Keius.
Ha?
Tumingin ako sa kanyang braso at doon ko nakuha ang ibig niyang sabihin.
Kumapit ako sa kanyang braso.
Pumasok kami sa isang event at namangha ako dahil lahat ng andito ay ang gagara.
Pati ang mga tao rito ay mukhang ang yayaman.
Maya-maya ay may lumapit sa amin na isang lalake, mukhang business man rin, i bet magkakilala ata silver ni Keius.
Pinakilala ako ni Keius sa kanya at nagpakilala naman ang lalake sa akin hanggang sa nagpaalam si Keius dahil may paguusapan daw sila about business matters.
“Who are you?”
Napalingon ako sa babae na nagtanong sa akin niyan.
Nakataas ang kanyang kilay habang ang mukha niya ay puno ng make up.
“Sino ka rin?” tanong ko pabalik habang nakataas din ang kilay.
“Hindi mo ako kilala? Ako lang naman ang fiance ni Keius” sabi nito.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartless Billionaire
Lãng mạnA woman accused of murdering the mother of her husband. She was tortured and suffered for a crime she could never commit. When her love turned into hatred. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang pinakamamahal na asawa?
