Chapter 35

209 3 4
                                        

Nagkatinginan kami ni Nubela.

Pero paano nangyari iyon?

"Kailangan natin ng matibay na ibidensya na ang hinala natin ay totoo" sabi ko.

"Imposibleng sila ay iisa Winslet‚ nakita ko ang bangkay ni Liah" sabi ni Nubela.

Bumuntong hininga ako.

"Naalala mo ba nung nakwento ko sayo noon na nakita ko si Liah sa palengke" tanong ko?

"Ah oo nung nasa isang baryo pa tayo non diba kung saan ako nagtago?" tanong niya.

"Oo" sabi ko.

"Bakit?"

"Doon natin sisimulan ang pagiimbistiga" sabi ko.

"Ha? bukas na ang flight natin" sagot ni Nubela.

Oo nga pala.

"Hindi na ata ako sasama" sabi ko.

"Ha? nababaliw ka ba-

"Nubela, kailangan kong linisin ang pangalan ko" pagputol ko sa sasabihin niya.

"Winslet naman eh"

"Pasensya ka na ha" sabi ko.

Bumuntong hininga siya.

"Susunod ako sayo roon kapag nalinis ko na ang pangalan ko" dagdag na ani ko.

"Ayoko na ngang umalis" padabog na sabi niya.

"O siya, babalik na ako sa bahay ni Keius bago pa niya ako maabutan dito baka kayo pa ang mapahamak ng dahil sa akin eh" sabi ko.

Nagayos ako.

"Hayst‚ mag-iingat ka" sabi ni Nubela.

"Ikaw din‚ aalis na ako" pagpapaalam ko.

Hinanap ko si Throne para magpaalam.

Mabuti na lang at hindi niya ako pinigilan.

Sumakay ako sa taxi at nilisan ang lugar.

Medyo malayo ang byahe kaya around 10:00 ng gabi ako nakarating sa bahay ni Keius.

"Bakit may mga itim na kotse dito?" tanong ko sa aking sarili.

Pagpasok ko sa gate ay nakita ko siya sa yard na kausap ang halos 20+ na kanyang tauhan.

Tila ba ay papaalis binibigyan sila ng instructions ni Keius.

Lumapit ako sa kanila.

"Anong nangyayari rito?" tanong ko kay Keius.

"Saan ka galing!?" galit na tanong nito.

Sininyasan niya ang kanyang mga tauhan para umalis.

"Sa parke lang" pagsisinungaling ko.

"You're such a liar!" bulyaw nito at hinawakan ng mahigpit ang pulso ko.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko.

Hinatak niya ako papasok ng bahay.

"Ano ba!" pagpupumiglas ko.

Tuloy tuloy pa rin ito sa paghila sa akin hanggang sa itulak niya ako sa sofa dito sa living room.

"Did you're fling satisfied you?" tanong nito.

Umibabaw ito sa akin.

"Anong pinagsasabi mo? Pakawalan mo ako!" sigaw ko at nagpumuglas.

He took my hands and pinned it above my head.

"If he can't satisfy you then I can" ani nito at hinalikan niya ako.

Chasing Heartless BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon