CHAPTER 11
Nabigla naman ako sa sinabi nito. Be my girl? Baket? Kapag pumayag ako parang easy to get naman ako nun. Gusto ko namang magpaligaw kasi nga first time ko 'to.
"A-ano kasi. kapag pumayag ako agad ang panget ng image ko. Easy to get ganon?" Napatawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?
"Hindi naman kita minamadali. Ganito na lang, I'll court you and if you're ready then good. Pero puwede bang tayo na starting today? I mean we're official but at the same time I'm still a suitor. I know it's kinda complicated but I hope it'll work.
"Ha?" Naiintidihan ko ang ibig niyang sabihin pero bakit ganon ang gusto niya? Bumibilis na naman tibok ng puso ko, alam niyo 'yung naeexcite na kinakabahan na masaya. Ganyan kasi nararamdaman ko ngayon.
"Be my girl" Inip niyang sabat sa tanong ko habang nakatingin lang sa baso ng tubig.
"P-pero-"
"Once again, I'm not forcing you to answer. I can wait" Sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. Ang sincere niyang tignan ngayon. Malayong-malayo sa maloko niyang look.
"Thanks." Nasabi ko na lang. Xen paganahin mo naman utak mo! Bakit ba hindi ako ngayon makapagsalita ng maayos? Parang naninigas ang dila ko tapos 'yung lalamunan ko naman parang tuyong-tuyo.
"Think carefully. I hope you'll say yes" He said while looking in my eyes seductively. Napainom na lang tuloy ako ng tubig at umiwas ng tingin sa kanya.
"Thanks" sabi niya pagdating ng mga pagkain namin dala-dala ng waiter. Tamang-tama ang timing ng waiter at nasave ako. Ang swerte ko ngayon.
Habang nilalapag niya mga pagkain namin, ilang na ilang naman ako kay Krypton. Ang lagkit niya kung makatingin sa'kin tapos traidor naman 'tong puso ko ang lakas kung makakabog yung katawan ko naman kinikilig.
"May naging ex kana?"
*cough-cough*
Napano ba si Krypton ngayon? Kung makatanong naman akala mo naman isang investigator.
"Meron" Sabi ko atsaka subo ng pagkain.
"Sino?" Tanong niya habang nakatingin ng maigi sa akin. Aba interesado ah
"Ikaw! future ex to be specific" Nakangisi kong sabi kaya pinitik niya 'yong bibig ko. Napahawak naman tuloy ako. Ang shakit~
"Asa ka" siya
"Asa ka rin! di kita papatulan no" I said and drink my water. Ang laki na ng tiyan ko kakainum ng tubig na 'to parang dito palang busog na ako. Ang init naman kasi.
"Eh anong ibig sabihin ng pag-uutal mo kanina? Future ex pala ha so may balak kang sagutin ako. You know what you'll surely fail. I'm not going to be one of your exes" Aray! Ang prangka naman ng lalakeng 'to. Masakit 'yon ah.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...