CHAPTER 22

41 4 5
                                    

CHAPTER 22


XEN'S P.O.V


"Jagi, gising na bilis."


"Hmmm~"


"Isa, bangon na."


"Five minutes"

Hay. Ewan ko talaga sa lalakeng 'to, napaka tulog mantika. Paano kasi sobrang late na natulog kagabe. Pero hindi kami magkatabi andiyan kasi sila mama, sa guest room siya pinatulog. Bawal na bawal na tumabi siya sa'kin atsaka hindi rin naman ako papayag na magtabi kami.


"Una na lang ako sa baba." Paalam ko sakanya habang siya naman nakatalukbong ng kumot. Ni hindi niya man lang ako pinigilan, basta tulog talaga lahat ipagpapalit niya.


Bumaba na ako, nakita ko naman sila mama na naghahanda na nga agahan kasama si papa. Ang sweet talaga ng dalawang 'to kahit na matatanda na. I love to see how my parents cuddling each other like they're still boyfriends and girlfriends. Sana ganoon din kami ng mapapangasawa ko ano? I don't assume na si Krypton, but honestly I want him as my companion in the futre, as my kids' pal and as my husband. Harruuu~ nag-isip na agad ng future? Hahaha nagmamadali naman ako masyado.


"Good morning, Ma, good morning, Pa." I kissed them both on their cheeks. Ganon din naman sila.


"Yung kasama mo na saan na?" Tanong ni Papa. Actually my father already knew that Krypton is my boyfriend, he's not that strict na pagbawalan ako basta daw hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko and as long as I know how to manage my time between school and boyfie. I'm really glad that my both parents gave that trust to me. Swerte ko talaga.


"Natutulog pa po." Kumunot naman noo nilang dalawa. Sabi ko na nga ba eh, ayaw na ayaw nila ang mga tulog mantikang katulad ni Jagi.


"Gisingin mo, hanggat wala pa siya hinding-hindi tayo kakain."

Sinunod ko naman sila, I climb upstairs. Sakto namang pagpasok ko eh gising na siya. Ang guwapo parin kahit bagong gising siya, pareho kaming nagkatinginan sa isa't-isa.


"Bumaba kana, nagugutom na ako. Hinihintay kana sa baba."

Hinila naman niya ako papalapit sa kanya kaya nakaupo ako sa tabi niya.


"Jagi~ good morning. Kiss ko?"

Aba? Ang aga-aga iba-iba hinihingi niya.


"Wala! Bumangon ka na! May pasok pa!" Tapos tumayo na ako, tumayo rin siya tapos niyakap ako sa likod. Kakakilig ang bango-bango niya parin.


"Edi yakap na lang. Mmmmm." Niyakap niya ako ng mahigpit pero tama lang para makahinga pa ako. So sweet talaga ng isang 'to, langgamin kami mamaya eh.


"Tara na, male-late na tayo eh."

Bumaba na kaming dalawa, sila mama at papa naman naghihintay sa amin sa mesa. Pagtapat ko sa lamesa inusog ni Krypton yung bangko para sa akin. Ang sweet! Nakita ko namang napangiti ang tatay ko, so it means he like Krypton na for me? I Hope so.

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon