Chapter 3.5

22 0 0
                                    

Xen


Nahihiya parin talaga akong humarap kay Krypton, mabuti na lang at madilim kagabi kaya 'di niya masyadong nakita 'yung ekspresyon ko.

Hindi na rin ako gaanong naasar kasi pinahiram niya ako ng damit niya kagabi, kaya niya pala ako kinaladkad papuntang locker room.

"Bee. Wala ka kagabi sa bahay niyo, saan ka naman pumunta?" Ito na naman ang over kung mag-alala kong kaibigan.

"Shh... Hinaan mo naman boses mo ok? Ganito kasi yun" Bulong ko sakanya.

Excited naman niyang inaayos ang pagkakaupo niya sa likod ko. Hindi kami magkatabi, si Milliton seatmate ko ang isa sa barkada ni Krypton pero mabait ang isang 'to silent type at may breeding. Ang tali-talino pa.

Lumingon-lingon muna ako at baka may nakikinig sa amin.

All clear!

Wala naman pero si Milliton nasa tabi ko lang eh, malay ko ba baka kalahating chismoso rin ang isang 'yan. Hindi malayong mahawaan siya ng ugali ni Krypton.

"Ah eh, Milliton wala kang pagsasabihan kung may maririnig ka man ha?" Sabi ko dito pero 'di siya sumagot, tumingin lang siya ng diretso at naglagay ng earphone sa tainga niya. Baka walang music? Kaya chineck ko muna at meron nga, haha. Binalik ko kaagad baka tupihin ako ng higanteng 'yan kakatakot pa naman.

"Oh ano na 'yon, Bee?"

"Kagabi kasi nalock ako sa rooftop"

Pagsisimula ko pero di ko pa nadudugtungan nagreact na siya kaagad.

"Ano?! bakit naman?"

"Kasi 'yang bw*sit na Krypton na 'yan, siya yung naglock sakin kaya ayun nakulong ako. Halos magutom at manigas ako sa lamig. Nakakatakot kaya"

Bigla naman siyang napatayo sa mga nasabi ko. Pipigilan ko sana kaso huli na.

"HAAAA?! So, ibigsabihin may nangyari sa inyo? Hala Bee yang Vcard mo nasend mo na? Naman Bee dapat nicancel mo muna! nagmamadali ka ba?! Marami pang guwapo sa future. Oo alam kong yummy siya pero kasi masyadong maaga- aray naman hinay-hinay lang" Hinatak ko siya paupo. Kakahiya naman 'tong babaetang to. Ang advance mag-isip.

"Ano ba Fan?! wag OA walang nangyari katulad ng nasa isip mo!" Anong akala niya sa akin? Cheap? Hindi ako ganoong klaseng babae, pinapahalagahan ko din naman dignidad ko.

"Ano ba kasi 'yung nangyari? Napaka detailed mo rin naman kasing magkuwento"

Bulong niya saken habang tinatakpan ang bibig niya at nakatingin sa paligid. Parang chismosa tuloy kaming tignan.

"Ganito kasi..."

Tapos kinuwento ko sakanya 'yung buong detalye n'ung nangyari. Matapos kong ikuwento gaya nga ng inaasahan pinagtawanan niya rin ako. Sino ba kasing hindi matatawa? Kasi nga totoo namang sobrang funny ng sitwasyon ko kagabe.

"Seriously? You pee?"

Halos mamatay na sa tawa. Alam niyo 'yung feeling na kating-kati ka ng batukan 'yung kaibigan mo na imbes na damayan ka, tatawanan ka pa? Ayun ang nararamdaman ko ngayon. Konti na lang mababatukan ko talaga 'to.

"Ang saya talaga Fan? dapat talaga tumawa ng ganyan?" Sarcastic kong sabi, kaya medyo tumigil na siya kakatawa. 'Mahirapan ka sanang pumigil ng lintek na tawang 'yan.'

"Oo na, hindi na po, pero haha . nakakatawa lang kasi. Teka! 'yung pants niya where?"

Inilahad niya palad niya saken na parang nanghihingi. Ano naman kayang intensiyon niya sa imported na Jpants ni Krypton? Oo, imported 'yun nagmula pa sa States at mukhang bagong bili. Mamahalin men.

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon