Xen
Miyerkules. Physical Education time. Tinatamad ako. Tinatamad talaga. Ayaw na ayaw ko pa talaga ang subject.
Bakit? Sino bang estudyante ang masisiyahan kung ang mga classmates mo walang pakialam sa mundo at ang teacher mo walang ganang maglecture, magbibigay lang ng photocopy at mag-eexam kinabukasan.
"Hoy, tabi ka nga muna diyan."
Hindi ako namamansin ng mga kaklase ko kaya snob ang inabot niya sa akin. Kung uupo siya ang lapad ng space ng bleachers, kahit saang part pwede siyang umupo. Sa akin pa talaga tatabi? Magpapacute lang yan eh.
"Ah hindi ka tatabi? Ok."
Kahit lingon hindi ko ginawa. Pinapakiramdaman ko lang ang galaw niya. May pito siyang binunot mula sa maliit na bulsa ng bag niya. Inilagay niya ito sa bunganga niya. Humarap siya sa akin, itinapat ang pito sa tainga ko at hinipan ito ng napakalakas.
"Aray naman! Ano bang trip mo ha?!" I shouted while holding my right ear. "Kung wala kang magawa sa buhay mo! Subukan mong mag-aral ng magandang pag-uugali! Bwisit!"
Wala talagang magawa sa buhay ang isang 'to, hindi man lang magawang magsorry sa akin pinagtawanan niya lang ako. Kumikirot kaya 'yong tainga ko sobrang lakas ng pagpito niya. Kung sa kanya kaya ginawa ang bagay na yun at tawanan siya ng napakalakas, tingin niya masarap sa pakiramdam?
"Sige tumawa ka pa! Walang modo!"
Kung wala lang sigurong nakabantay na teacher sa amin nahampas ko na siguro ang lalakeng 'to. Nakakabanas na talaga siya, palagi niya na lang akong pinagtitripan. Hindi naman kami close pero ang feeling niya. Yung teacher at mga kaklase ko nakatunganga lang.
Ay? Feeling nila teleserye?
"Ito naman. Psst uy! Ang galing lang kasi. Nakakarinig ka parin kahit maliit ang tainga mo."
Hinipo niya ang tainga ko, nakakadiri talaga ang isang 'to. Nagsitayuan tuloy lahat ng balahibo ko sa katawan. Parang ice yung kamay niya, ang lamig sa pakiramdam ko.
"Ano ba?! Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa mong lalaki ka?!"
Pinaalis ko siya sa harapan ko sabay bato ng bola na hawak ko. Hindi pa ako nakuntento, pati notebook ng katabi ko binato ko na rin sa kanya pero nakailag siya.
Napatayo ako sa inis. Nilapitan ko siya para suntukin na lang. Hindi siya umatras, bigla-bigla na lang siya lumapit. May tinapakan siya sa paanan ko. Ngumungisi pa yan. Aakalain mo tuloy na may masamang balak.
"Teka yung sintas mo, halika itatali ko para sa 'yo."
Tatanggi pa sana ako kaya lang hinawakan niya ng mahigpiti ang paa ko atsaka yumuko at itinali ang sintas ko. Ano bang meron ang lalaking ito? Kanina ang sama-sama na parang niluwa ng impiyerno pero ngayon parang anghel na nag-anyong tao.
"Oh ayan pwede ka nang maglakad" Sabi niya habang tumataas-baba ang kilay.
Dahan-dahan siyang tumayo, pinagpag niya ang kamay niya sa itim niyang jogging pants.
"Salamat." Pilit kong sabi.
Ihahakbang ko na sana ang kaliwang paa ko nang mapansin kong itinali niya pala yung isang sintas ko sa kabila kong sapatos kaya na out of balance ako. Ang lalakeng 'to talaga! Mamatay ka na!
Matinis na boses ang lumabas mula sa akin. Napapaisip na ako ng kung anu-ano. Baka mauna mukha ko sa pagbagsak.
Parang paslow motion akong bumabagsak at gusto kong humingi ng tulong na saluhin nila ako. Ang lalaki naman na 'yun ay tawa lang ng tawa sa sitwasyon ko with matching pahawak-hawak sa tiyan niya. Bwisit kang lalake ka! Anak ka talaga ni Satanas!
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...