Xen
Nahihiya parin talaga akong humarap kay Krypton, mabuti na lang at madilim kagabi kaya 'di niya masyadong nakita 'yung ekspresyon ko.
Hindi na rin ako gaanong naasar kasi pinahiram niya ako ng damit niya kagabi, kaya niya pala ako kinaladkad papuntang locker room.
"Bee. Wala ka kagabi sa bahay niyo, saan ka naman pumunta?" Ito na naman ang over kung mag-alala kong kaibigan.
"Shh... Hinaan mo naman boses mo ok? Ganito kasi yun" Bulong ko sakanya.
Excited naman niyang inaayos ang pagkakaupo niya sa likod ko. Hindi kami magkatabi, si Milliton seatmate ko ang isa sa barkada ni Krypton pero mabait ang isang 'to silent type at may breeding. Ang tali-talino pa.
Lumingon-lingon muna ako at baka may nakikinig sa amin.
All clear!
Wala naman pero si Milliton nasa tabi ko lang eh, malay ko ba baka kalahating chismoso rin ang isang 'yan. Hindi malayong mahawaan siya ng ugali ni Krypton.
"Ah eh, Milliton wala kang pagsasabihan kung may maririnig ka man ha?" Sabi ko rito pero 'di siya sumagot, tumingin lang siya ng diretso sa akin na walang ekspresyon at naglagay ng earphone sa tainga niya.
Baka walang music?
Kaya chineck ko muna at meron nga, haha. Binalik ko kaagad ang earphones nito, baka tupihin ako ng higanteng 'yan kakatakot pa naman.
"Oh ano na 'yon, Bee?" Tanong ni Fan nang matapos kong inspeksyonin si Milliton.
Hinarap ko siya at inihanda ang sarili para magsalita.
"Kagabi kasi na-lock ako sa rooftop" Simula ko pero 'di ko pa nadudugtungan nag-react na siya kaagad.
"Ano?! Bakit naman?"
"Kasi 'yang bwisit na Krypton na 'yan, siya 'yung nag-lock sa 'kin kaya ayun nakulong ako. Halos magutom at manigas ako sa lamig. Nakakatakot!"
Bigla naman siyang napatayo sa mga nasabi ko. Pipigilan ko sana kaso huli na.
"HANO! So, ibig sabihin may nangyari sa inyo? Hala Bee 'yang vcard mo na-send mo na? Naman Bee dapat ni-cancel mo muna! nagmamadali ka ba?! Marami pang guwapo sa future. Oo alam kong yummy siya pero kasi masyadong maaga- aray naman hinay-hinay lang!" Hinatak ko siya paupo. Kakahiya naman 'tong babaetang to. Ang advance mag-isip.
"Ano ba Fan?! 'Wag OA, walang nangyari katulad ng nasa isip mo."
Ano'ng akala niya sa akin? Cheap? Hindi ako ganoong klaseng babae, pinapahalagahan ko rin naman ang dignidad ko.
"Ano ba kasi 'yung nangyari? Napaka detailed mo rin naman kasing magkuwento." She whispered sarcastically while checking the surroundings. Parang chismosa tuloy kaming tignan.
"Ganito kasi..."
Tapos kinuwento ko sakanya 'yung buong detalye n'ong nangyari. Matapos kong ikuwento gaya nga ng inaasahan pinagtawanan niya rin ako. Sino ba kasing hindi matatawa? Kasi nga totoo namang sobrang funny ng sitwasyon ko kagabi.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...