CHAPTER 18
Xen's P.O.V
"Bilisan mo na kasi."
"Teka, kung nagmamadali ka mauna ka!"
"Ayaw, hintayin kita babe"
Asus, makayakap naman 'tong si Krypton sa akin akala mo naman hindi na kami magkikita mamaya.
"Bilisan mo na~" Pakanta niyang utos sa akin habang nakayakap yung isang kamay niya at 'yung isa naman tumutulong sa pag-iimpake.
"Wag ka kasi yumakap, nagpapadelay ka eh" Umalis naman siya agad ng padabog. Tampururot na naman ang isa diyan. Hinila ko tuloy pabalik, yiee nagpapalambing na naman siya.
"Uyuyuyuy, nagtatampo? Maya na kailangan nating umabot" Tumango naman siya habang nakapout, ipitin ko ng tong 'yang humahabang nguso niya eh. Nakakadagdag kaya sa kacutan niya.
"Maghihintay ako sa labas" Tapos kiniss niya 'yung cheek ko at lumabas sa pinto.
Tinuloy ko naman pag-aayos ng gamit ko, I need to make sure na walang maiiwan na personal things ko. Chineck ko na lahat ng gamit mula cosmetics, damit pantaas ang pang baba. Mga undergarments na lang. Ito mas imprortante sa lahat, nakakahiya kapag naiwan ko 'to.
*Ligpit-ligpit*
Sandale? Nasaan 'yung isang panty kong kulay pink na may pangalan ko sa harap? Naku-naku hindi pwedeng mawala 'yun. Pinasadya ko pa naman 'yun.
"Babe? Tapos kana?" Tanong ni Krypton habang nakadungaw siya sa pintuan.
"Hindi pa, may kulang kasi eh" Tumulong naman siya sa paghahanap, pero hindi niya naman alam kung ano 'yun. Shunga talaga hindi man lang nagtanong.
"Alam mo ba hinahanap mo?" Tanong ko, ngumisi lang naman siya tapos bumalik sa paghahanap.
Pumasok siya ng CR tapos lumabas ulit at umiling, hinalughog niya 'yung cabinet na wala ng laman kasi na impake ko na lahat. Ewan ko talaga sa kanya, malamang walang idea kung ano 'yun, sa ilalim pa ng kama ko siya naghahanap ngayon. Ano naman kayang makikita niya diyan?
Habang naghahanap siya at ako naman ay enjoy na enjoy siyang tinitignan, may napansin akong bagay na bumabakat sa likod na bulsa niya. Alam kong hindi panyo kasi parang minadaling nilagay. Kapag kasi siya may panyo sa harapang bulsa niya 'yan inilalagay.
Dahil sa sobrang pakielamera ako, dahan-dahan kong kinuha ko 'yun para hindi niya maramdaman.
XEN'
Hmmm? Xen? Alam niyo kahawig siya ng hinahanap ko. Oo kahawig na kahawig. TEKA! AKIN TO EH!
"KRYPTOOOOOON!! BASTOS KA TALAGA!" Sinipa ko siya sa sobrang inis, kaya tuluyan siyang pumasok sa ilalim ng kama. Siya pala kumuha ng panty ko. Anong gagawin niya dito? Remembrance?
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...