CHAPTER 16
Xen's P.O.V
"Bilisan niyo naman nagugutom na kami"
"Lakasan mo ng paypay diyan Grey! babatukan kita isa!"
hahah ang sarap ng buhay kapag may alalay na ganito ka guwapo. Nagluluto sina Milliton, Zeon at Mark. Si Grey di nakasali inutusang manghilot ni Nicka habang pinapaypayan eh.
"tang.na Grey! tumulong ka naman dito!" Reklamo ni Mark. Shunga talaga alam namang may ginagawa yung isa eh.
"Alam ng may ginagawa pa ako rito eh!"
"Sige! wag kang kakain kapag naluto 'to" banta ni Mark kay Grey.
"teka mahal, tutulong muna ako dun. Gusto mo bang magutom ako?"
"Dito ka lang. Sino ba mahal mo? ako o si Mark?" hala kawawang Grey. Walang pupuntahan direksyon ng buhay nito.
"Ikaw siyempre" tapos balik na naman paghihilot niya kay Nicka. Under talaga ang isang 'to.
"GREY! HUTA! TUMULONG KA! NANGINGITIM NA BALAT NAMIN SA INIT OH!" ang reklamador talaga ng Mark na 'to. Tatlo na kaya silang gumagawa diyan.
"Dito ka lang Grey!" Nicka
"Grey! tumulong ka! bubugbugin kita eh!" tapos lumapit si Mark kay Grey at hinila ganon din ginawa ni Nicka. Aba-aba mukhang pang telenovela ah.
"Bitiwan niyo nga ako! Wala akong pupuntahan sa inyo eh! Isa lang ako, isa lang." inis na sabi ni Grey tsaka umalis sa pagkakahawak ng dalawa.
"ayoko kumain! ayoko na rin magmasahe!" tapos lumabas na siya ng kubo. Ayan kasi eh, inaabuso ang mabait na tao. Ayan tuloy nganga yung dalawa di makapaniwala ano?
"hayaan niyo na siya" Milliton na may dala-dalang tray ng pagkain. Mukhang luto na ah, gutom na rin kami.
"Luto na" machong sabi ni Krypton habang papalapit sa amin na may dalang inihaw na isda. Ayieee kinilig ako ang cute kapag basa ng pawis yung katawan lalo na kapag topless pero di gaanong bakat ang abs pero halatang meron naman.
"Subuan niyo kami" utos no Fan kaya napangiwi si Mark. Si Krypton naman nginitian lang ako. Gustong-gusto ko naman kasi. Ang sweet nito.
"Aba, namimihasa kana babe ah! ipasok ko yang kutsara sa ngala-ngala mo eh!" pikon na sabi ni Mark kaya medyo nagpanting yung tenga ni Fan, at akmang sasapakin na naman si Mark.
"di joke lang babe, gustong-gusto ko nga kaya eto na say ah~" haha ang cute ng dalawa. Kainggit naman. Hindi takot si Mark kay Fan sadyang mahal niya lang talaga yang amazonang yan. Nakakatuwa silang tignang dalawa lalo na sina Milliton at Mielle. Silent type na couple kasi pero halatang may kilig sa isat-isa.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...