CHAPTER 30
ZEON'S P.O.V
Prom na namin mamayang gabi pero hindi parin gumagaling paa ni Xen. Ang tagal naman! Wala akong kadate nito eh! Nakalabas na siya ng ospital pero 'yung paa niya hindi parin nakalabas ng bondage.
"*Snap* Problema mo?" Tanong ni Rouize sa akin. Nagmumukmok lang ako dito sa lamesa hindi kumakain. Nakakawalang gana naman kasi 'yung hinain niya. Buong linggo kami na puro itlog at kamatis lang ang ulam sa agahan at tuyo naman sa tanghali hanggang maghapunan na. 'Yung totoo, naghihirap na ba kami?
"Wala ka bang practice?" Tanong niya habang sarap na sarap sa pagkain ng itlog na namamasa pa 'yung puti. Nilaga niya lang kasi. Hindi naman pala marunong.
"Meron." Pero hindi ko naman makikita si Xen. Tsaka wala din akong kapartner dun dahil hindi na rin nagpapakita si Maj. Alangan namang si Grey ang ipartner ko dahil wala din siyang kapares? Di ko maimagine.
"Oh, bakit hindi ka nagmamadali? Late ka na!" Utos niya. Hindi ko lang siya pinansin. Pinapatawa ko lang si Alyeon kaya lang ang baboy na bata. Pinaglalaruan niya ang laway niya, natatalsikan naman ako sa mukha. Mana talaga sa nanay.
"Ang baboy ng anak mo!" Tumawa lang naman siya tapos tinanggal sa bibig ni Alyeon 'yung kamay nitong basang-basa ng laway. Kung ako kaya gumawa niyan cute parin kaya? Siyempre hindi malaki na ako. Pero mas hot siguro ako tingnan, nayahaha. Hangin men!
"Bata eh." Proud niya pang sabi, nawalan na ako ng ganang kumain. Pupunta ako sa bahay nila Xen. Doon ako magpapalipas oras tsaka makikikain na rin. Palaging masarap ulam doon sa kanila eh.
"Saan ka pupunta?" Tanong na naman ni Rouize.
"Sa girlfriend ko." Hindi naman ako mabubusog kapag dito lang ako sa bahay tumambay maghapon.
"Hugasan mo muna 'yung plato!" Naman eh! Uutusan pa eh may mga katulong naman. Hindi ko na siya pinakinggan tumakbo na lang ako palabas ng bahay, ayoko maghugas ng plato. Baka makabasag na naman ako ng kutsara.
*Pok!*
"Ate naman!" Kay salbahing kapatid! Ang dami-rami ng ibabato 'yung rubics cube pa talaga.
"Ilang oras na lang prom niyo na. Bakit hindi kapa naghahanda?" Ay Oo nga pala. Mamaya na lang siguro, madali lang naman kaming magbihis na mga lalake.
"Mamaya na." Tumakbo na ako papalabas. Guwapo naman na ako kaya mabilisan lang ang pag-aayos sa akin.
"Tol! Bilisan mo!" Napahinto naman ako sa pagkakatakbo. Anong ginagawa ng Moi na 'to sa harap ng bahay?
"Ano ka? Bitaw!" Pero hinila niya parin ako at pinapasok sa kotse niyang luma naman. Mas maganda pa tingnan motor ko sa kotse niya eh.
"Problema mo? Type mo ako ano?" Nababakla na ba siya sa'kin? Bakit panay hawak niya ng kamay ko? Ang dumi!
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...