CHAPTER 3

82 4 0
                                    


Xen


Nanlalamig na ako rito sa rooftop, halos 6:00 pm na 'di parin ako nakakauwi. Wala pa naman akong load para itext o tawagan man lang sila Mama. Ang ipinagtataka ko nga, bakit kaya 'di man lang nila ako tinawagan para alamin kung nasaan ako? Nakakainis. Parang wala silang pakialam sa anak nilang babae.

Bwisit na lalaki naman kasi 'yun! Malalagot siya sakin kapag nakalabas ako rito. Kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ako nakulong dito.

Kasalanan ko rin eh! Dapat 'di ko nalang inagaw 'to sakanya para 'di na nangyari 'to sa 'kin.  Pano naman kasi, mas mataas pa pride ko kaysa sa height ko.

"PSSST!" Parang nataranta ako sa narinig ko at automatic na lumingon kaagad.

Sino naman kaya 'yun? Hieee! Baka naman multo? Pero 'diba ang multo hindi naninitsit? 'Diba nag-aawo sila o 'di kaya umiiyak? Pa'no naman kung ito na pala ang bagong style nila para manakot?

Hala nakakapraning naman 'tong pinag-iisip mo Xen! Guni-guni mo lang 'yan.

"Pst!" Eeeh! Meron talaga!

"Si-sino 'yan? K-kung sino ka man 'wag kang lumapit kung hindi mamamatay ka! Alam kong patay ka na pero mado-double dead ka sa 'kin! S-sige ka!"  Lakas loob kong pananakot sa multo, tumayo ako para hanapin 'yung boses na 'yun pero sa totoo lang natatakot talaga ako. Ang lamig-lamig pa naman kaya nakakadagdag takot, at pagtayo ng mga balahibo ko.

"PSST!" Ayan na naman! Lalong lumalakas boses, nanggagaling 'to sa pintuan ng rooftop.

Sobrang dilim naman kasi at ultimong cellphone ko lang ang nagsisilbing ilaw. Nasaan ba kasi rito 'yung switch? Kung kailan kailangan mo na nga doon pa ayaw magpakita.

"S-sino 'yan?" Inilapit ko ang tainga ko sa pinto at narining kong nag-click siya tapos may naririnig akong paghinga mula rito.

Sana guni-guni ko lang 'to.

"M-may tao ba diyan?" I fearfully asked while controlling myself not to shout.

"BOO!"

"WAAAAAAAAAAAAAAAH MULTOOO!"

Napatakbo ako sa sobrang takot, at sa 'di inaasahan ay naihi ako. Basang-basa ang palda ko, ganyan kasi ako kapag natatakot eh . Naiihi na lang basta-basta hindi ko naman ma-control.

"Hahahaha! Priceless!"

Pagtingala ko hindi pala multo, isa palang demonyo ang tumakot sa akin.
'Yung takot ko napalitan ng inis at kahihiyan.

Oh lupa, bumukas ka! Lunukin mo na ako!

Tawa siya ng tawa. As in tawa ng tawa na hindi na kayang tumigil. Nakakainis talaga siya! I cursed you till death do us part! Mamatay ka na! Mamatay ka na!

"You're so ugly when you're scared." He laughingly said.

Pagkatapos niya akong pagtawanan pinailaw niya 'yung ilaw kaya nagliwanag ang paligid,  'di ko naman alam na may ilaw eh.

But wait, shit!

Makikita niya na naihi ako sa takot, makikita niya na basa 'yung salawal ko. Kailan pa ba bubuka ang lupa? Bilisan mo naman! Mamamatay na ako sa sobrang hiya!

"Bakit basa ang sahig? 'Wag mong sabihin na--" Tinakpan ko na bibig niya. Pinutol ko na 'yung sasabihin niya at tumayo na ako. Bahala na kung ano man isipin niya.

"Puwede ba, kung wala kang magawang matino diyan sa buhay mo eh wag mo akong idamay! Buwisit ka talaga! Kahit kailan epal ka!" Tinalikuran ko siya.

Bababa na sana ako ng rooftop nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko kaya nilingon ko siya kahit na labag sa kalooban ko.

"Ah, naihi ka nga? Ampanghi!" Halata sakanya na nagpipigil ng tawa at inipit ang ilong gamit ang daliri.

"Mamatay ka na!" I cursed.

Tas umalis na talaga ako, tumakbo ako para 'di niya maabutan.

 Ang panget sa pakiramdam, basa 'yung palda ko at siya pa talaga ang nakakita. Napakalaking kahihiyan talaga ang sinapit ko!

"Hoy!" Tawag nito sa akin habang tumatakbo rin.

Ano bang gusto nito? Ba't ba 'to sunod ng sunod sa 'kin?

"Wag mo akong susundan! Malilintikan ka sa'kin! Isa!" 

Takbo lang ako ng takbo at 'di ko siya nililingon. Nahihiya na nga kasi 'yung tao sunod pa ng sunod.

"I said stop running!" Naabutan niya ako at hinawakan sa braso.

Pinigilan niya ko sa pagtakbo.  He's wearing an apologetic mask.

"Come with me." Kinaladkad niya ako at napunta kami sa locker room.

©xxxjustmythoughtsxxx

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon