CHAPTER 19
XEN'S P.O.V
"Andito na po ako"
"Oh anak, kumusta ang bakasyon?"
Salubong agad sa akin ni Mama pagkalapag ko ng bag sa sofa.
"Ok naman, Ma. Enjoy" Tumango naman siya tapos binigyan ako ng tubig.
"Mukha nga. Nga pala nagkausap kami ng Papa mo."
"Anong sabi, Ma?"
"Naalala mo pa si Moi? Yung kababata mo?" Pagsisimula niya habang nakaupo sa mesa at nakahawak sa baso ng tubig.
"Oo naman, bakit?" Ano na naman kaya ang tungkol kay Moi? Balita ko kamuntik ng makick-out yun dahil sinunog niya yung kotse ng principal nila.
"Balak niya daw na magtransfer sa makalawa at dito daw muna siya makikitira."
"Ha?!-" Napatayo ako sa kinauupuan ko, nagulat naman ako dun.
"No! Hindi Pupwede. Basta, Ma! Ayoko!" Hindi ko na pinagsalita si Mama. Dumiretso na ako sa kuwarto ko. No it can't be, I don't want to remember those times when we were still a chil back then.
"Hindi puwede"
Basta kahit anong mangyari hindi puwedeng nandito si Moi sa pamamahay namin. Malaking problema ito kapag nagkataon.
ZEON'S P.O.V
"Welcome home, Sir"
"Where's Mom?" Tanong ko sa mga katulong pagbaba ko ng kotse.
"Nasa business trip pa po." Sagot niya habang hindi nakatingin sa akin dahil nakayuko siya.
Dumiretso na akong pumasok sa loob ng bahay, pagkapasok ko napakatahimik. Wala man lang mga magulang na sasalubong sa'kin.
"WALA MAN LANG SASALUBONG NA MGA KAPAMILYA KO SA'KIN?! KAKARATING LANG— Aw!"
Anak ng teteng! Isang napakatigas na sapatos ang sumalubong sa akin.
"Kakarating mo lang boses mo na agad gumimbal sa bahay na 'to! Bastos ka talagang bata ka!"
Dali-dali siyang bumaba mula sa hagdan at lumapit sa akin para pingotin ang tainga ko. Andito pala 'to ngayon?
"Aray! Rouize naman!"
"You bastard! Anong Rouize? Call me 'Ate'" Tapos binatukan na naman ako. Ay nakakasakit na siya!
"Oo na A-te. Sino kasama mo rito?" Tanong ko tapos ngumisi naman siya at tinuro ang nasa likod niya.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...