CHAPTER 31
(Nastress ako kung paano ko gagawin ang chapter na 'to. Kay hirap! Sana magustuhan niyo.)
Xen's P.O.V
"Putong inerns! Hopiang monggo? Gago! Mahal 'yun!" Reklamo ni Moi sa harapan ni Krypton.
"Anong mahal? Limang piso lang naman ang isang piraso niyan!" Sabat ni Krypton sabay pakita ng tag.
"Oo nga limang piso. Ilang piraso ba binili mo? Isang daang piraso hindi ba!" Sigaw ni Moi. Pera niya kasi 'yung ginamit namin pambili ng recess. Nga pala, close na 'yung barkada kay Moi. Ok na kaming lahat except kay Maj dahil never siyang nagpakita sa amin at never niya kaming in-approach, palagi siyang lumalayo whenever na magkakalapit kami. Hindi na rin ako pilay ngayon, after three months na pagpapahinga nakapaglakad na ako nang maayos at sila Fan ang mga nurses ko oh diba nakatipid kami dahil libre.
"Bayaran mo 'yan!" Dabog ni Moi kay Krypton. Hindi na siya pinansin ni Krypton sarap na sarap kasi siyang lantakan ang binili niyang hopia.
"Bayaran mo!" Parang bata niyang pamimilit kaya napadukot si Krypton ng pera niya sa bulsa at iniabot kay Moi.
"Oh ayan! Tsk." Tapos bumalik na siya sa pagkain. Kami naman nakatingin lang sa kanilang dalawa habang nagbabangayan. Nakakatuwa silang dalawang tingnan para silang magkapatid na hindi magkasundo.
"Singkwenta? Eh 500 'yung kinupit mo!" Hahah, halos maiyak si Moi sa kinauupuan niya. Magkaharap silang dalawa ni Jagi, ako 'yung katabi niya.
"Balato mo na lang 'yung 450." Nakangisi niyang sabi tapos uminom ng juice. Pinipikon ni Krypton si Moi eh.
"Grey, Mark at Milliton. Bayaran niyo 'yung kulang ko."
"Ano?!" Sabay-sabay nilang tatlong tanong. Si Krypton naman walang pakialam basta ang nasa isip niya moment nilang dalawa ng hopia niya.
"Utang mo tapos kami ang magbabayad? Kotong ka!" Reklamo ni Grey na halos sakalin si Krypton. Tiningnan siya ni Krypton tapos bumalik siya sa pagkakaupo. Under talaga haha.
"Grabe ka tol! Namimihasa ka na!" Reklamo naman ni Mark. Si Milliton hindi na umimik nagbigay na lang siya nang pera at nagpatuloy na kumain.
"Good. Oh! Pera mo." Inabot ni Jagi 'yung pera kay Moi. Nag ngiting tagumpay naman ito tapos binilang, naninigurado pa eh.
Ang saya lang kapag kumpleto at may dumagdag na bago sa grupo. Parang ang gaan tumawa kasi lahat ayos na pwera na lang kay Maj. Pero may oras din para diyan, hindi pa siguro ngayon. Siguro 'wag ko munang atupagin ang tungkol dito ang dapat kong atupagin ay ang pakikipagharutan sa mga kaibigan ko.
"Aaaah!! Isang talsik pa talaga ng laway mo sa'kin at tatanggalin ko na 'yang mukha mo!"
"Haha! Pasensya na Fan, naexcite lang ako."
Halos sabunutan ni Fan si Moi sa ginawa niya. Ayaw na ayaw pa naman nitong natatalsikan ng laway at kung ano pang sa tingin niya ay marumi.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...